Bida sa pinakabagong cinematic na “The Host: A Tug of War” ang bagong Mobile Legends hero na si Yin.

Tampok sa nasabing cinematic ang bagong hero na nakikipag-bakbakan kay Yu Zhong sa isang lugar na maihahalintulad sa  Domain Expansion mula sa sikat na anime na Jujutsu Kaisen.

Bagamat wala pa tayong ideya kung paano nabuo ang hidwaan na ito kasama si Yu Zhong, may mga nakalap kaming mga clues mula sa cinematic na tinawag ng Moonton na “Forsaken Light” trailer na posibleng magpaandar ng bagong skin line na naksentro sa bagong Mobile Legends hero.


Kombinasyon ni Sukuna at Shang-Chi ang bagong Mobile Legends hero na si Yin

Credit: Moonton/ ONE Esports

Sa pagbubukas ng The Host: A Tug of War, makikita si Yin na naghihikahos. Ngunit sa sandali ding iyon may kung anong espirito ang sumapi sa kaniya na kumontrol sa kaniyang katawan. Dito mapapansin ang tatlong gintong singsing sa kaniyang bisig katulad na lamang ng suot ni Shang-Chi mula sa Marvel.

Nagsimula ring magbaga ang mga misteryosong simbolo sa kaniyang katawan, sa likod pa nito ay ang mala-demonyong boses na nagpakilabot lalo sa mga nanood ng cinematic. 

Binagong tuluyan ng elemento ang anyo ni Yin kung saan mapapansin ang pagiging pula ng kaniyang buhok mula sa orihinal na blonde nitong kulay, ang mga kuko niya ay humaba at tumulis, at ang mga marka sa kaniyang katawan at ang mga mata ay nagbaga.

Gaya ng ginawa ni Sukuna ng Jujutsu Kaisen nang kinontrol niya si Yuji Itadori, ibang-klase ang kapangyarihan ng panibagong anyo ni Yin. Nagawa ng bagong Mobile Legends hero na kalampagin si Yu Zhong, at mas nakakabagabag pa dito ang inilabas niyang Domain Expansion na tuluyang nagpaluhod sa Black Dragon.

Papalawigin pa ang kuwento sa likod ng bagong Mobile Legends hero sa comic na “The Host: In Hopes of Light” ng Moonton na inaasahang lumabas ngayon.

Panoorin ang “The Host: A Tug of War” cinematic trailer dito:

Sundan ang kuwento ng bagong Mobile Legends hero na si Yin sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Maaring pa maging isang viable marksman si Lesley sa MLBB patch 1.6.42