Si Lesley ay isang marksman hero sa Mobile Legends: Bang Bang na hindi natin masyadong nakikita sa competitive scene. Dahil sa pagsikat ni Beatrix, Yi Sun-Shin, at Clint, naging laos na si Lesley.

Ngunit nakatanggap ang marksman hero na ito ng isang game-changing buff sa MLBB patch 1.6.42 na nagpataas ng kaniyang damage.

Ngunit ano ang magiging estado niya sa competitive scene? 

Mga pagbabago kay Lesley sa Mobile Legends patch 1.6.42 

MLBB Lesley patch 1.6.42
Credit: Moonton

Bago natin tahakin ang mga kalakasan ni Lesley sa patch 1.6.42, ito ang isang recap ng mga pagbabago na ginawa sa hero na ito. 

Passive – Lethal Damage 

  • Tumaas ang extra critical damage mula sa 40% patungong 50% 
  • Bumaba ang damage mula sa 1.3 times patungong 1.2 times 
  • Tinanggal ang critical damage limit 
  • Baggong effect: Magdudulot ng 20% extra damage sa mga minions ang enhanced basic attack at makakabalik ito ng dobleng energy 

Skill 1 – Master of Camouflage 

  • Nakatanggap ng dobleng energy restoration sa kaniyang camouflage state si Lesley 
  • Tumaas ang extra movement speed mula sa 30% patungong 40% 

Ang kalakasan ni Lesley sa kasalukuyang Mobile Legends patch

MLBB Lesley Angelic Agent skin
Credit: Moonton

Bagamat nakatanggap lang siya ng mga pagbabago sa kaniyang passive at unang skill, ang mga updates na ito ay nagpataas ng kaniyang core strength – at magdudulot ito ng kritikal na damage.

Ang critical damage ng Lethal Damage ay tinanggal na. Ang ibig sabihin nito ay maaring maging mabagsik siya sa early game kapag naglagay ka ng points sa Fatal at Doom sa marksman emblem tree.

Ang kaniyang damage output ay magiging mas malakas kapag ang build mo ay Beserker Fury, Scarlet Phantom, at Windtalker. Ang mas mataas na damage sa mga minions ay magpapabuti sa kaniyang malakas na laning phase.

Ngayon na naisip na natin ‘yan, sapat na ba ang mga pagbabagong ito para makita na siya sa competitive scene? 

Hindi pa rin. Dahil isa siyang hero na hindi kumikibo, kulang pa din siya ng solid na escape skill. Dagdag pa riyan, lahat ng skills niya ay tumatarget lamang ng isang hero, hindi tulad sa kasalukuyang meta kung saan ang mga marksman heroes ay mayroong isa o dalawang AoE skills.

Gayunpaman, asahan mong mas makikita mo ang mga Lesley players sa ranked games mo. Bagamat maaring hindi pa rin siya makita sa competitive play, ang maganda dito ay masaya at madaling laruin si Lesley.