Pagkatapos gumulong ng MLBB Patch 1.6.50 ay patuloy na nagpapaaliw sa Mobile Legends fans ang bagong hero na si Yin. Hindi kagulat-gulat kung bakit ganito na lamang kapopular ang hero dahil bukod sa kaniyang skillset ay pasabog ang ikalawa niyang porma na tinawag na si Lieh.
Kung swabe na ang skillset ng kaniyang katambal ay hindi nagpapahuli si Lieh na may sariling set ng abilities sa panahong siya ang nakasalang sa Land of Dawn.
Heto ang kumpletong listahan ng skills ni Yin at Lieh
Passive – Leave It To Me
Naglalabas ng extra damage si Yin kung walang allied heroes na malapit sa kaniya. Kaya naman sa laning phase malaki ang kalamangan ng hero kontra sa kaniyang katapat.
First skill – Charged Punch

Nagkakaroon ng extra movement speed at enhanced basic attack si Yin sa paggamit ng skill na ito. Kapag tumama sa kalaban ang nasabing enhanced basic attack ay susundan ito ng Yin ng ikalawang atake sa rectangular area sa harap niya.
Physical damage ang epekto ng skill na ito sa kalaban na babawasan naman ang cooldown ang Charged Punch.
Ito rin ang main damage source ni Yin. Kasabay pa nito, malaking tulong sa kaniya ang karagdagang movement speed lalo na sa kiting ability at dodging ability niya.
Second skill – Instant Blast

May dalawang phases ang skill na ito. Mag-dadash forward si Yin at iiwan ang golden rings sa likod niya, sabay magpapakawala ng physical damage sa kaniyang kalaban sa path kung saan siya galing. Bukod dito, may damage reduction ding epekto ang Instant Blast sa hero kapag tumama ang skill sa kalaban.
Kapag naman humabol na ang kaniyang golden rings sa kaniyang posisyon ay magpapakawala ulit ito ng physical damage at stun sa kalaban madadaanan. Kaya naman madaling sabihin na ang second skill niya ang kaniyang main engage at crowd control skill.
First Skill ni Lieh – Frenzy Strike

Yayanigin ni Lieh ang isang area at magpapakawala ng physical damage at slow effect sa kalaban.
Bumibilis ang rate ng kaniyang pag-smash sa unang bahagi ng Frenzy Strike. Sa puntong ito, naka auto-lock sa pinakamalapit na kalaban ang kaniyang smash.
Sa ikalawang bahagi ng skill ay sa isang direksyon lamang maitututok ang atake. Maaari ding mag-cast ng ibang skills si Lieh sa bahaging ito para matapos ito ng mas maaga.
Second skill ni Lieh – Instant Blast

Sisipa paharap si Lieh at iiwan ang kaniyang gold rings para magdulot ng physical damage sa area na kaniyang pinagmulan. Kasabay nito, may knockback effect sa kalabang madadaanan ng skill.
Katulad ng skill ng orihinal na form, may stun at damage reduction na dulot ang kalabang tatamaan ng Instant Blast. Ang pagkakaiba lamang nito ay mas mataas ang damage output ng skill ni Lieh at mas mataas ang stun duration.
Ultimate – My Turn

Dadalhin ni Yin ang isang kalaban sa kaniyang domain at magiging si Leih. Sa kaniyang domain, hindi tatablan ng kahit anong skill effects ng kalaban ang hero.
Kung makikitil niya ang kalaban, lalabas siya ng domain na naka-reset ang cooldowns ng kaniyang skills na magbibigay daan para sa mga prolonged fights.
Bukod-tangi ang ultimate skill na ito dahil literal na ihihiwalay ni Yin ang kaniyang target mula sa team fights, kaya naman malaki ang epekto nito sa kalalabasan ng mga engagements sa Land of Dawn.
Panoorin ang full hero spotlight trailer dito:
Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pagsubayba sa ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Ang bagong Mobile Legends hero na si Yin ay kombinasyon ni Sukuna ng Jujutsu Kaisen at Shang-Chi