Isa si Paquito sa mga mas bagong heroes sa Mobile Legends: Bang Bang, at isa sa mga pinakamalakas na side laners sa kasalukuyang meta.

Bilang isang fighter na kayang magbigay ng sandamakmak na damage, mabilis na naging popular ang Heavenly Fist dahil mahirap itong makatapat sa isang 1v1 situation, at may mataas na tsansang makakuha ng first blood sa laning phase.


Gaano kalakas si Paquito?

Manny Pacquiao Paquito
Credit: Moonton

Hindi lang sa ranked games banta si Paquito, kung hindi pati na rin sa pro play. Noong MPL PH S7, siya ang ikawalo sa most banned heroes na may 83 bans. Sa MPL SG S7 naman ay panglima siya sa most banned na may 52 bans.

Hindi makakaila na ito ang hero na ayaw makatapat ng maraming teams at players. Pero paano kung nakalimutan niyo siyang i-ban at agad siyang i-pick ng kalaban?

Narito ang tatlong heroes na maaaring pumalag sa Heavenly Fist.


Alice

Alice 3 heroes pangontra kay Paquito
Credit: Moonton

Ang unang hero na kayang makapalag at maka-outplay kay Paquito sa 1v1 ay walang iba kung hindi si Alice.

Anong dahilan at bakit si Alice? Dahil kaya niyang matakasan ang early game burst ni Paquito gamit ang kanyang Flowing Blood o Blood Awe.

Pag nakatungtong na siya sa level four, kaya niya nang ma-out-sustain ang Heavenly Fist, at possible pang makakuha siya ng kills kung tama ang timing ng abilities niya.

Ang susi para matalo si Paquito bilang Alice ay ang manatiling buhay hanggang sa makakuha ka ng sapat na Blood Ancestry stacks, at makarating sa level four para ma-unlock ang Blood Ode.


Benedetta

Benedetta 3 heroes pangontra kay Paquito
Credit: Moonton

Isa sa mga pinakamabisang paraan para tapatan ang isang overpowered hero ay ang pumili ng isa pang overpowered hero, at ‘yun mismo ang papel ni Benedetta.

Maganda rin ang early game kill potential ni Benedetta dahil sa Phantom Slash at An Eye for An Eye. Bukod pa dito ay kaya niya ring makipagsabayan sa mga extended fights salamat sa Alecto: Final Blow, na isang game changer laban sa isang mahusay na Paquito user.


Barats

Barats pangontra kay Paquito
Credit: Moonton

At panghuli, isa pang hero na kayang ma-out-sustain si Paquito ay si Barats. Sa tuwing pakakawalan ni Paquito ang kanyang combo sa isang team fight, maaaring gamitin ni Barats ang Detona’s Welcome upang pigilan ito.

Sa max stacks, kayang ma-survive ni Barats ang buong combo ng Heavenly Fist, lalo na kung lamang siya sa items. Mahirap na makatapat si Barats sa sidelane, kahit pa para kay Paquito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.