Kilala si Danerie James “Wise” Del Rosario bilang ang isa sa mga pinakamahusay na jungler hindi lang sa Pilipinas, kung hindi maging sa buong mundo.

Tanyag siya sa pag gamit ng mga utility heroes sa kanyang role, gaya na lang ng Barats, Balmond, Aldous, at Bane. Dahil dito, maraming nag-aakalang hindi niya kaya gumamit ng mga Assassin hero—bagay na pinabubulaanan niya sa gumugulong na ika-10 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH).

Para kasi mapanatiling walang bahid ng talo ang record ng Blacklist International nang harapin nila ang BREN Esports, ibinida ni Wise ang kanyang husay gumamit ng Benedetta. Ito na ang ikalawang beses na gumamit ang bantog na jungler ng Assassin hero ngayong season, matapos ang matagumpay na Natalia kontra Nexplay EVOS.


Wise pinag-adjust ang Benedetta kontra BREN Esports

Tank Benedetta ni Wise pinanatiling undefeated ang Blacklist International
Credit: MPL Philippines

Ilang sandali matapos walisin ang kapwa world champion, ibinahagi ni Wise kung paano niya pinag-adjust ang Assassin hero para umayon sa istilo ng kanyang paglalaro.

“‘Yung hero ko kasi Assassin lang ‘yung role niya, pero pinag-adjust ko siya. Ginawa ko siyang Tank build,” aniya.

Madalas ay damage items ang binubuo sa hero dahil sa kakayahan nitong makapunta at makapitas ng mga hero sa backlines salamat sa mga dash nito. Pero nang sumikat ang Jungle emblem at Demon Slayer talent nito, naging mas epektibo ang mga jungler na kayang tumagal sa laban at makaselyo ng mga objective.

Tinapatan ng Tank Benedetta ni Wise ang Balmond ni Kyle “KyleTzy” Sayson na naka-Jungle emblem din. Pero sa kahabaan ng 14-minutong bakbakan, dalawang beses lang nakakuha ng orange buff ang koponan ng BREN Esports, habang 12 naman ang napunta sa Blacklist International.

Tank Benedetta ni Wise pinanatiling undefeated ang Blacklist International
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Bukod kasi sa mobility ng naturang Assassin, naging posible rin ang paglabas-masok niya sa jungle ng kalaban dahil sa taglay niyang kakunatan. Hindi sapat ang naging damage ng kanilang kalaban para i-punish ang pag-invade ni Wise, dahilan para maitala nila ang kalamangan sa early game.

Nabigyan din nito ng espasyo ang Beatrix ni Kiel “OHEB” Soriano at Pharsa ni Hadji “Hadji” Imam, ang dalawang damage-dealers ng Blacklist International para, makumpleto ang pagwawalis sa BREN Esports.

Item build ng Tank Benedetta ni Wise

Tank Benedetta ni Wise pinanatiling undefeated ang Blacklist International
Credit: Moonton
  • Tough Boots
  • Cursed Helmet
  • Brute Force Breastplate
  • Radiant Armor
  • Guardian Helmet
  • Malefic Roar

Bubuksan ng Blacklist International ang ikatlong linggo ng MPL PH laban sa ONIC Philippines. Idaraos ang kanilang bakbakan sa Biyernes, ika-26 ng Agosto, sa ganap na ika-anim ng gabi.

Masusubaybayan ang mga laban sa opisyal na YouTube at Facebook pages ng MPL Philippines.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kelra nagpakita ng perpektong laro gamit ang Wanwan, sinelyo ang malinis na kampanya ng Smart Omega sa Week 2