Muling nanggulat ang Blacklist International matapos nilang ma-sweep ang Omega Esports sa ikaanim na linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 7 (MPL).

Matapos i-ban ng Omega Esports si Granger sa Game 1, na masasabing best hero ni Wise, ni-lock in ng Blacklist International si jungle Aldous. Ito ang unang beses na makikita ang hero sa season na ‘to.

Aldous sa MPL PH

Hindi masyadong pinipili si Aldous sa high-rank matches, lalo na sa MPL PH, dahil mapipilitan ang player na maging passive sa early game.

Subalit nakuha pa rin ni Wise ng Blacklist International ang MVP na may 3/3/5 KDA.

Ang kanyang high-stacked na Soul Steal na sinamahan pa ng Courage Mask ay sapat na para araruhin ang base ng Omega Esports sa loob lamang ng 15 minutes sa kabila ng matumal na simula, na nagbigay sa Blacklist International ng unang puntos ng series.

Pinili ulit ni Wise si Aldous para sa Game 2, pero ang Harith ni Kiel “OHEB” Soriano ang nagdala sa laban. Nagtapos si OHEB na may 6/1/5 KDA laban sa Carmilla-Cecilion duo ng Omega Esports.

Ang dahilan sa likod ng Aldous pick

Sa post-match press conference, nilinaw ni coach BON CHAN na planado ang Aldous pick. Inensayo ng team ang strategy ilang araw bago ang match.

“Since we secured the upper bracket in just five weeks, we were confident to pick something new,” sabi nya.

Nilinaw din ni BON CHAN na personal na desisyon ni Wise ang bumuo ng Courage Mask at mga defensive items para kay Aldous.

Sa panalong ito, nananatili nangunguna sa Group B ang Blacklist International na may 27 points. Tabla naman sa second place ang Omega Esports at Nexplay Esports na may 17 points sa parehong grupo.