Dumating na ang pinakabagong marksman sa Mobile Legends: Bang Bang.

Gamit ang Ixia, kaya mong magpakawala ng sandamukal na damage na hindi kinakailangang gumalaw sa team fights, katulad na lamang ng playstyle ng mage hero na si Yve.

Binibigyan siya ng kaniyang ultimate na Full Barrage ng abilidad na magbuhos ng damage output sa isang malaking area habang nanatili sa isang posisyon.

Heto ang lahat ng dapat mong malaman tungkol kay Ixia, ang Arclight Outlaw.


Lahat ng dapat malaman tungkol sa abilities ni Ixia sa Mobile Legends

Passive – Siphon Starlium

Mobile Legends: Bang Bang Ixia passive ability Siphon Starlium
Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Bawat Basic Attack ni Ixia ay nagpapatong ng Starlum Charge sa bawat target na tatamaan siya. Kapag gagamit ng Basic Attack ang hero sa kalaban na may dalawang Starlium Charges, makokonsumo ang lahat ng charges para mapataas ang kaniyang physical damage. Kasama pa nito ang heal na katumbas ng HP na ibiniwas niya.

Maaaring ma-trigger ang Siphon Starlium sa lahat ng kalaban na kaharap ni Ixia o kung nasa attack range ito ng marksman.


IBA PANG MLBB GUIDES
Listahan ng Mobile Legends ranks at kanilang mga antas
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Jawhead sa Mobile Legends

Skill 1 – Dual Beam

Mobile Legends: Bang Bang Ixia ability Dual Beam
Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Magpapakawala si Ixia ng dalawang energy beams na may kargang physical damage at slow effects sa mga kalaban sa loob ng isang parisukat na area. Kasabay pa nito, magkakaroon siya ng movement speed buff.

Ang mga kalabang tatamaan ng beams ay tatanggap ng dobleng damage.


Skill 2 – Star Helix

Mobile Legends: Bang Bang Ixia ability Star Helix
Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Maglalabas ang marksman ng isang canister ng Starlium energy sa isang direksyon na mag-knoknockback sa mga kalapit na kalaban. Pagkatapos ng maigsing delay, hihigupin nito ang mga kalaban sa isang linya at makakatanggap ng physical damage.


Ultimate – Full Barrage

Mobile Legends: Bang Bang Ixia ultimat ability Full barrage
Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Babaklasin ni Ixia ang kaniyang armas papunta sa anim na maliliit na weapons at papasok sa Barrage state sa loob ng ilang segundo.

Sa Barrage state, maaari lamang niya i-cast ang kaniyang skills sa loob ng isang fan-shaped area. Gayunpaman, mas malaki ang range ng mga skills niya at kayang bumanda ng kaniyang Basic Attacks sa hanggang anim na targets sa loob ng area (priority target ang mga kalabgn hero).

Sa loob pa rin ng Barrage sate, mas mataas ang damage ng Siphon Starlium. 

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang MLBB guides, mga balita at updates.

BASAHIN: Top 5 Emblems na OP sa bagong Emblem system ng MLBB