Hatid sa inyo kasama ang Samsung.

Bitbit ng Project NEXT ang pinakamalaking patch sa nakaraang mga taon. Kaakibat nito ang panibagong Emblem system, kung saan ang mga player ng Mobile Legends: Bang Bang ay maari nang mag mix-and-match ng mga set.

Kaya ‘wag ka nang magtataka kung makakakita ka ng mga Mage Heroes na may Assassin Emblem, mga Fighter na may Support Emblem, o kaya’y mga Marksman na naka-Fighter Emblem. Oo, nandito na tayo sa mundo kung saan malaya ka nang makakapili, at mas magagamit mo na ‘to sa iyong playstyle.

Ngunit syempre, hindi lahat ng Emblem set ay nakakalamang. Base sa aming mga pagsusuri, heto ang limang Emblem Talent o Role na maituturing na pinakamalakas at pinaka-epektibo sa maraming sitwasyon.



Ang limang OP na Emblem at Talent sa MLBB

Tenacity (Tier 2 Talent)

Khufra Volcanic Overlord skin Mobile Legends wallpaper
Credit: Moonton

Kapag ang HP ng isang hero ay 50% o mas mababa pa, tataas ang Physical at Magic Defense nito ng 18 puntos.

Napaka-taas ng value ng talent na ‘to, at masasabing borderline OP. Una sa lahat, ito’y nasa ikalawang Tier lang, at maari pang i-combine sa Tier 3 Talents (oo, maari kang kumuha ng Tenacity, sabay kuha ng Brave Smite o kung ano pang Tier 3 Talent).

Ikalawa, dahil ito’y maaring malayang ilagay sa kung saan mang set, maari itong magamit nang ibang heroes tulad ng marksman o support heroes. Malaking value ang 18 pts ng Magic/Physical Defense na nati-trigger tuwing kalahati ang iyong buhay, at nagbibigay ng mas mataas ng tsansang manalo sa mga trades dahil lamang dito.


Festival of Blood (Tier 2 Talent)

Credit: Moonton

Magkakaroon ng 6% Spell Vamp, at dagdag pang 0.5% Spell Vamp (Maximum 8 stacks) sa tuwing magkakaroon ng hero kill o assist.

Para naman sa mga sustain heroes, napakataas ng value ng extra na 10% spell vamp. Dahil nagkaroon na rin ng pagbabago na ang Spell Vamp ay counted sa kahit anong skill na iyong gamitin, madali nang makapag-sustain sa teamfights. Higit pa diyan, ang Festival of Blood ay isa lamang Tier 2 emblem at magbibigay pa ng mas maraming paraan para sa customization.


Brave Smite (Tier 3 Emblem)

Mobile Legends: Bang Bang Video Game Dominator Uranus skin wallpaper
Credit: Moonton

Ang pagbawas sa buhay ng kalaban gamit ang skill ay magbibigay ng 5% Max HP bilang heal. 6 seconds Cooldown.

Kung usapang Tier 3 Emblem, heto na ata ang pinakamagagamit ng mga Roamers, Fighters, o di kaya’y mga Junglers. Meron lamang 6 seconds na cooldown ang Brave Smite, at meron ka kagad na heal sa iyong sarili na katumbas ng 5% ng iyong Max HP.


Custom Fighter Emblem (Base Emblem)

Credit: Moonton

Spell Vamp +10%, Adaptive Attack +22, Hybrid Defense +6.00

Ang base emblem na Fighter ay napakataas ng value kung usapang stats lamang. Mayroon ka kagad na 10% Spell Vamp (10% ng damage ng kahit anong skill mo ay magiging buhay) at Adaptive Attack na +22. Kaya nama’y maari itong gamitin ng halos kahit anong hero dahil lamang sa Adaptive Attack: kung mas mataas ang iyong Physical Damage total, Physical Damage +22 ang bigay nito, at vice versa.

Ang ibig sabihi’y mayroon kang libreng +22 Damage sa lahat ng phase ng laro, at hindi pa magiging problem kung anong klaseng damager na hero ka.

Malaking value din ang 6 Hybrid Defense (ang hybrid defense ay maaring panangga parehas kontra sa Physical at Magical damage, at sabay pa!) sa early game.

Kung susumahin, ang Fighter emblem ngayon ang pinaka sulit para sa halos lahat ng position sa laro.


Custom Support Emblem (Base Emblem)

MLBB Estes
Credit: Moonton

Healing Effect +15%, Cooldown Reduction +10%, Movement Speed +6%

Tila ba walang makakatapat sa benefits ng Support Emblem sapagkat walang early game item na makakatapat sa binibigay nito. Mayroon ka kaagad na libreng +10% CDR at +6% Movement Speed: perpekto para sa mga support type heroes gaya nila Estes, Rafaela, Mathilda, Floryn, Diggie, at iba pa.

Dagdag pa diyan, mayroon kang +15% Healing Effect. Kung mayroon kang pang-heal sa kakampi, malaking value agad ito. Sakaling mayroon kang self-heal (‘wag malito sa Spell Vamp or Lifesteal, self-heal ay literal na dagdag HP sa sarili), counted din ito, gaya ng 2nd Skill ni Minotaur.

Maari din itong gamitin muli sa mga heroes na naka EXP laners nan aka support emblem dati, gaya nila Esmeralda, Gloo, etc.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita, updates at guides tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Maganda ba ang Blade of Despair para kay Ixia? Oo raw sabi ng pro MLBB player na ito