Kamakailan ay ipinakilala ng Moonton ang pinakabagong emblem system para bigyan ng bagong twist ang paglalaro ng players sa Mobile Legends: Bang Bang. Sampu ng mga sandamukal na changes na ipinagulong sa partikular na parte ng laro, hindi masisisi na maramingplayers ang nahihirapan na makasabay dito.

Bagamat hindi ito ang unang pagkakataon na ginalaw ng developer ang siste, ito rin kasi ang isa sa maituturing na pinakamalaking update simula noong inilabas ang laro.

Ang magandang balita ay ginawa ito ng Moonton para gawing mas simple ang paggamit ng emblems para sa players. Ngayon, maaari ng i-adjust ng players ang kanilang talents base sa kanilang playstyle at sa kinakailangan ng kanilang heroes in-game.

Sa article na ito, layunin ng ONE Esports Philippines na ipakilala ng lubusan ang bagong MLBB emblem system, siyasatin ang bawat isa sa mga ito, at tulungan ka na makapili ng pinakamagandang set para sa gagamitin mong hero.


Kilalanin ang bagong MLBB Emblem System: Mga pagbabago at improvements

Credit: Moonton

Ipinakilala sa revamped MLBB emblem system ang anim an iba’t-ibang tipo ng emblem para sa bawat role, kasama na dito ang Common emblem na kombinasyon ng dating Physical at Magical emblems.

Sa loob ng bawat emblem, maaaring pumili ang players ng isa sa 24 total available talents. May walong talents kada isang tier, at isa lamang ang mapipili mo sa mga ito kada-tier.

Sa Tier 1 matatagpuan ang attribute bonuses, habang sa Tier 2 naman makikita ng active skills na maaaring ma-activate sa partikular na kondisyon. Samantala, core skills naman ang matatagpuan asa Tier 3 na kasama ang exclusive at powerful passive effects.

Talents sa Tier 1 sa bagong MLBB Emblem System

PANGALANTIPOEPEKTO
ThrillCommonMakakakuha ng adisyunal na 16 adaptive attack.
SwiftCommonMakakakuha ng adisyunal na 10% attack speed.
VitalityTankMakakakuha ng 225 extra max HP.
RuptureAssassinMakakakuha ng adisyunal na 5 adaptive penetration.
InspireMageMakakakuha ng 5% extra cooldown reduction.
FirmnessFighterMakakakuha ng 6 extra physical and magic defense.
AgilitySupportMakakakuha ng adisyunal na 5% movement speed.
FatalMarskmanMakakakuha ng 5% extra crit chance at 10% extra crit damage.

Talents sa Tier 2 sa bagong MLBB Emblem System

PANGALANTIPOEPEKTO
Life DrainCommonMaibabalik ang 3% HP at 1.5% mana kapag nanakuha ng kill o assist sa kalaban.
Seasoned HunterCommonTataas ang damage kontra sa Lord at Turtle ng 15%. Mangangalahati ang bonus kontra regular creeps at hindi maapektuhan ang damage ng Retribution.
TenacityTankKapag mababa na sa 50% ang HP, tataas ang physical at magic defense ng 18 points.
Master AssassinAssassinKapag isa lang ang malapit na kalaban, tataas ang damage ng hero ng 4% kontra dito.
Bargain HunterMageMaaaaring mabili ang equipment ng 95% ng base price nito.
Festival of BloodFighterMadadagdagan ng 6% spell vamp.Bawat kill o assist sa kalaban ay may karagdagang 0.5% spell vamp hanggang anim na stacks.
Pull Yourself TogetherSupportMababawasan ang cooldown ng battle spells at active skills galing equipment ng 15%.
Weapons MasterMarskmanMadaragdagan ng 5% ang physical attack at magic power mula equipment, emblem, talent at skills.

Talents sa Tier 3 sa bagong MLBB Emblem System

PANGALANTIPOEPEKTO
Impure RageCommonMay extra adaptive damage (nag-iiscale alinsabay ng level) at 2% mana restoration on hit kapag nakapag-deal ng damage gamit ang skill. Kapag hindi mana-user ang hero, mababalik ang 1% HP nito.
Quantum ChargeCommonMadaragdagan ng 40% movement speed sa 1.5 segundo at 75-180 HP (nag-iiscale alinsabay ng level) kapag nakapag-deal ng damage gamit ang basic attacks.
Concussive BlastTankPagkatapos ng isang basic attack, mag-dedeal ng magic damage sa kalabang malapit sa hero.
Killing SpreeAssassinPagkatapos makapatay ng kalabang hero, may instant 8% max HP recovery at 15% movement speed gain sa loob ng tatlong segundo.
Lethal IgnitionMageTataas ang hero damage ng mga kakampi ng 6% sa loob ng tatlong segundo kapag nakapag-deal ng damage sa kalabang hero.
Brave SmiteFighterMagkakaroon ng 5% max HP restoration kapag nakapag-deal ng skill damage.
Focusing MarkSupportTataas ang hero damage ng mga kakampi ng 6% sa loob ng tatlong segundo kapag nakapag-deal ng damage sa kalabang hero.
Weakness FinderMarskmanMay 20% chance ang basic attacks na mabawasan ang movement speed ng kalabang heroes ng 90%, at attack speed ng 50% sa loob ng 0.5 segundo.

Anong MLBB emblem sets ang bagay sa hero mo?

Screenshot ni Julian Elona/ ONE Esports

Sa nakalipas na MLBB emblem system, limitado lamang ang talents sa partikular na roles ngunit mas flexible na ito ngayon gawa ng pinakahuling update.

May opsyon na ngayon ang players na mamili ng talents sa labas ng napiling emblem set. Halimbawa, maaari ng kumuha ang marksman hero na may marksman emblem set ng isang mage talent tulad ng Bargain Hunter kung nanaisin. Gayunpaman, mainam pa rin na kumuha ng talents base sa role gagampanan ng hero mo.

Kung nahihirapan kang mamili ng talents sa bagong MLBB emblem system, maaari mo rin naman gamitin ang Battle Setup feature sa preparation stage. Sa feature na ito, puwede kang mamili mula sa koleksyon ng emblem sets at talent combinations mula sa pro players at content creators.

Bukod pa dito, maaari mo ring ma-access ang Battle Setup feature sa pick and ban stage.


Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mas marami pang balita tugkol sa MLBB!

BASAHIN: Gabay sa paglalaro ng Alpha sa Mobile Legends: Best build, skills, emblem at combos