Ang mga anime skins ay hindi maikakaila na isa sa pinakahinahanap-hanap na mga skins sa Mobile Legends: Bang Bang.
Maging ito man ay Saint Seiya o Jujutsu Kaisen, maraming mga manlalaro ang nag-invest ng libu-libong diamonds upang makita ang kanilang iniidolong mga anime characters sa Land of Dawn.
May isang partikular na hero sa laro na maswerte at mayroong higit sa isang anime skin. Ito ay maaaring maging isang magandang dahilan upang subukan at pag-aralan ang hero na ito kung hindi mo pa ito nasusubukan.
Dahilan kung bakit ang MLBB hero na ito ay may ilang iconic anime skins
Binuksan ng Moonton Games ang taong 2024 sa isang kolaborasyon sa pagitan ng Mobile Legends: Bang Bang at Attack on Titan, tampok ang tatlong exclusive skins — sina Eren Jaeger Yin, Levi Ackermann Martis, at Mikasa Ackermann Fanny.
Isang kahanga-hangang pagsiklab ang pagdagdag ng Eren Jaeger Yin skin. Ito ay isang nakakagulat na pangyayari, sapagkat ang herong ito ngayon ay may dalawa nang anime skins.
Sa nakaraang pagkakataon, si Yin ay nakatanggap ng Yuji Itadori skin sa Jujutsu Kaisen collaboration ng laro isang taon na ang nakararaan.
Ibig sabihin nito, ang herong ito ngayon ay may dalawang iconic anime skins, higit pa kaysa sa ibang hero sa laro.
Ang dalawang anime series, na ginawa ng sikat na Japanese-based studio na MAPPA, ay kasalukuyang nasa mga most-watched na Shonen anime.
Ang desisyon ng Moonton na ialay ang natatanging collaboration skin sa hero na ito ay maaaring may kinalaman sa popularidad sa mga players.
Kahit hindi ito madalas na pinipili sa professional play, ang Martial Genius ay isa sa most-played fighter hero sa laro. Ayon sa MLBB stats, siya ay nasa ika-19 na pwesto sa popularidad na may 1.42% pick rate mula sa 124 na mga hero sa Season 31.
Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: MSC 2024 gaganapin sa Saudi Arabia na may record-breaking prize pool