Nandito na sa wakas!

Inilabas na ng Moonton Games ang matagal nang inaasam-asam na mga character models at skill effects para sa kanilang Mobile Legends: Bang Bang Attack on Titan skins collaboration.

Sa mga tampok na mga hero, makakatanggap ng eksklusibong Levi Ackermann, Mikasa Ackermann, at Eren Jaeger skins sina Martis, Fanny, at Yin, ayon sa pagkakasunod.

Bukod sa kahanga-hangang mga skins, maaaring kunin ng mga player ang iba’t ibang in-game effects, kabilang ang eksklusibong recall, spawn effects, emotes, at maging ang profile border bilang bahagi ng nakaka-excite na collaboration na ito.

Preview ng character models at skills ng mga bagong Mobile Legends Attack on Titan skins

Ipapakita ng skin ang tatlong hero ng Paradis Island na nakasuot ng kanilang iconic na uniporme, na tapat na kinakatawan ang estilo mula sa anime at manga.

Attack on Titan MLBB skins featuring Levi Ackermann, Eren Jaeger, and Mikasa Ackermann
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Si Eren at Mikasa ay naka-suot ng kanilang pamilyar na military outfits, kasama ang brown jacket, puting shirt, at Omni-Directional Mobility Gear sa kanilang tabi. Sa kabilang banda, si Levi ay naka-suot ng Scout Regiment attire, na may kakaibang berdeng cloak.

Attack on Titan's Mikasa Fanny's Steel Cable skill
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Si Fanny, na bibigyan ng Mikasa skin, ay nagbibigay ng immersive experience para sa mga gustong maramdaman ang thrill ng pag-maneuver sa isang battlefield na may OMD gear.

IBA PANG MLBB GUIDES
RG Guide: Paano gamitin ang Mid Lane Pharsa, items, skills, etc
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?
Heto ang tips ni M4 world champion ECHO SanFord para sa EXP laners
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB
Abilities ni Ixia sa Mobile Legends: Magpakawala ng matinding damage nang hindi gumagalaw!

Sa bawat hampas ng kanyang Steel Cables, pinapalipad niya ang kanyang sarili na katulad ng dynamic movements ng iconic character.

Bukod dito, kapag ina-activate niya ang kanyang ultimate na Cut Throat, si Fanny ay tumatalon patungo sa kanyang target nang may cinematic flair, na nagbibigay ng pakiramdam na katulad ng pag-atake sa batok ng isang Titan para sa isang kill.

Attack on Titan MLBB skin Levi Martis' Mortal Coil skill
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Si Martis, na naka-suot ng Levi skin, ay may kahanga-hangang fighting animations na nagbibigay-pugay sa kilalang swordsmanship ni Levi sa anime.

Sa pag-execute ng mga skills tulad ng Ashura Aura at Mortal Coil, maingat na inilalabas ni Martis ang kanyang dalawang patalim sa isang nakakamangha display ng swordplay, na katulad ng precision at finesse ng iconic na combat style ni Levi.

Attack on Titan MLBB skin Eren Yin My Turn ultimate
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Ang standout skin sa seryeng ito ay ang Eren Jaeger skin ni Yin.

Sa pag-transform sa nakakagimbal na Attack Titan sa kanyang ultimate na My Turn, dinadala ni Yin ang experience sa mas mataas na antas.

Sa isang nakakabighaning visual, kanyang inilalayo ang target na kalabang hero sa mga pader ng Paradis Island, kung saan makikita ang Colossal Titan na nagbabantay mula sa labas ng pader habang ang ultimate ay nagaganap.



Ang mga Attack on Titan skins ay ilalabas sa January 31.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Budget weaaboo? Lahat ng nasa Attack on Titan collection na ito ay nasa PHP800 pababa lang