Ang article na ito ay hatid sa inyo ng kasama ang Samsung.
Sa metagame ngayon sa pro scene, hindi maikakaila na nagkaroon na nga nang napakalaking role ang mga “Nuke Mages” sa Mid Lane. Sa kadahilanang napakalakas ng mga Marksman tulad ng Melissa, Beatrix, Wanwan, at Claude, isa sa mga una sa balota kung usapang hero picks ang Pharsa—kasabayan ng Valentina at Yve, ang mga Nuke Mages na ‘to ang nagiging kill threat sa lahat ng phases ng laro. Pero paano nga ba gamitin ang Pharsa, at ano nga ba ang dapat build dito? Heto ang mabilisang RG Guide para sa isang top Pos 4 sa meta ngayon.

RESULTA NG POLL

Anong Hero sa Mobile Legends ang gusto niyong gawan namin ng RG Guide?

POLL: Gaming

Sarado na ang Poll



Emblem at Item para sa Mid Lane Pharsa

Dalawa ang tipikal na ruta kung ang pagpipilian ay ang Emblem set para sa Pharsa. Nangunguna ang Mystery Shop kung saan ang discounted itemization ay nagbibigay ng access sa Pharsa na magkaroon ng mas madaling snowball potential. Ito na ang kadalasang pinipili ng mga pro players ngayon, sa kadahilanang ang pagiging malakas sa early game ay malaking ambag agad sa overall teamfight ng isang team.

Ang isa namang pinipili din ng mga teams ay ang Magic Worship: kung usapang scaling at pure burst, may mga pro players din namang mas pinapaboran ang Magic Worship. Malaking bagay ang extra damage sa Mid Game, at kadalasan talaga’y nakaka-tunaw ang Pharsa ng mga squishy na targets dahil sa item build na ‘to.

Mid Lane Pharsa Guide
RG Guide Para sa Pharsa

Kung usapang items naman, iisa na din ang napipili ng mga teams sa Pharsa. Matapos piliin ang Arcane Boots para sa +10 Magic Penetration, rerekta na ang mga players sa pag-kuha ng Clock of Destiny. Sa early game, malaking tulong ang Magic Penetration mula sa Boots upang masiguradong mataas ang damage kontra sa mga malalambot na targets. Malaking ambag din ito sa unang Turtle ng laro.

Syempre, malaking bagay at “core item” talaga ang Clock of Destiny, bilang isang item na magbibigay nang pinakamataas na damage output sa Mage kung ikukumpara ito sa presyo mismo ng item.

Sunod naman ang Lightning Truncheon, perpekto sa pag-deal ng extra damage sa mga teamfights, at napakalaking tulong sa pag-clear ng mga minions. Ang bagay na ‘to ay importante sa pag-farm nang mabilis, at pati na rin sa macro gameplay ng inyong team. Kung mas mabilis kang mag-clear ng minions, mas mataas ang impact mo sa teamfights.

Holy Crystal at Divine Glaive naman ang mga magandang panapos na items para sa Mid Lane Pharsa, dahil sa added na Burst Potential at Magic Penetration sa dulo ng laro. Ang pinakahuling item naman na pinipili sa Pharsa ay ang Glowing Wand para sa extra burst at damage over time, o kaya nama’y defensive items gaya ng Winter Truncheon, Blood Wings, o kaya nama’y Immortality. Maaring ibenta ang Boots o ang Immortality sa Super Late Game stages, depende sa pangangailangan.


Gameplay ng Mid Lane Pharsa

Dalawang bagay ang kailangang intindihin palagi ng Mid Lane Pharsa sa kahit anong estado ng laro: Positioning ng sarili sa Teamfights, at Positioning ng kalabang Marksman.

Dahil sa Wings by Wings na skill ng Pharsa at access sa Flicker o kaya nama’y Purify, nagkakaroon ng sapat ng tools ang Pharsa upang maka-pwesto nang maganda sa mga teamfight. Maari ding gamitin ang Wings by Wings na extra skill ng Pharsa upang magkaroon ng mas magandang positioning kung ikaw nama’y agresibo, dahil maari kang tumagos sa mga pader ng napakadali at makahanap ng mas magandang anggulo para makapatay (o kaya nama’y tumakas sa mga mapanganib na sitwasyon).

Sa unang dalawang minuto ng laro, napakataas nang importansya sa pagkuha ng Level 4 bilang Mid Lane Pharsa. Napakalakas din sa lane mismo ng Pharsa dahil sa kaniyang wave clear speed: at dahil malaki ang AoE nang Pharsa (in combination sa kaniyang passive na napaka-kati sa early game) at range ng hero, kayang-kaya nitong mang-pressure sa lane at mag-poke nang kahit sinong nakakatapat nito. Ibigsabihin, kailanga’y mang-harass ka sa laning stage ng madalas upang makakuha nang malaking advantage sa kalaban.

Pagdating ng Turtle Fight, ang ultimate nitong Feathered Air Strike na ang magiging puhunan sa mga Teamfights. Sa mga unang estado ng laro, ang Feathered Air Strike ay gagamiting pang-pressure ng kalabang Mid Laner, o kaya nama’y tumulong sa pagpapatumba ng kalabang Jungler. Kalaunan sa laro, ang Pharsa ay nagiging designated na Marksman Killer kung saan ang kaniyang Burst ay magbibigay nang malaking importansya sa pagkakapanalo ng Teamfights.

Bukod sa Feather Air Strike, ang kailangan ding i-master ng mga taong gustong laruin ang Pharsa ay ang Skill 1 na Curse of Crow. Kung magagamit ito nang tama, magiging napakalaking Outplay potential ang Curse of Crow. Pag ito’y napatama ng maayos, maaring makakuha ng solidong stun (1second stun ito na may 6-second cooldown bago ang CDR effects). Maari ding multiple heroes ang ma-stun dahil sa Curse of Crow. Kaya nga nama’y may mga players na mas pinagtutuunan nang pansin na masterin ang Skill 1.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.