Ang Moonton Games ay naglabas ng karagdagang impormasyon tungkol sa pinakaaabangang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2024 (MSC 2024).

Sa isang makabuluhang hakbang, ang torneo ay nakatakdang ganapin sa Riyadh, Saudi Arabia, mula July 1 hanggang 14, na naglalagay ng kasaysayan bilang ang unang MSC event na ginanap sa labas ng Southeast Asia.

Ang anunsyo na ito ay sumunod sa balita na ang Mobile Legends: Bang Bang ay kasama sa mga esports titles na kasama sa Esports World Cup, na nakatakdang ganapin mula Hulyo hanggang Agosto.

Ang pangunahing tampok ng kamakailang anunsyo ay ang record-breaking na prize pool, na itinakda upang maging pinakamalaki sa kasaysayan ng Mobile Legends: Bang Bang esports.

IBA PANG MLBB GUIDES
Sabi ni KarlTzy, gamitin mo ang 3 heroes na ‘to para makapag-Mythical Glory
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban
Gusion Guide ni ECHO Sanji: Item build, emblem, battle spell, at combo
Patumbahin si Alucard gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends
Swak ang magic item na Starlium Scythe sa mages na ito

Ang MSC 2024 ay ang unang opisyal na MLBB tournament na may higit sa isang milyong dolyar na prize pool

MSC 2024 and MWI 2024 schedule in the Esports World Cup
Credit: Moonton Games

Ang torneo ay nagtatampok ng kahanga-hangang US$3,000,000 na prize pool, na lampas sa US$900,000 na prize pool ng M5 World Championship.

Ayon kay Ray Ng, ang Head of Esports Ecosystem ng Moonton Games, labis silang natutuwa sa partnership, na naglalagay ng bagong yugto para sa MLBB esports.

“Alongside teams from new participating regions, this year’s iteration presents boundless opportunities for more regions to participate, in line with our vision to expand MSC and MWI to foster greater diversity and inclusiveness,” ayon sa kanyang salaysay.

Narito ang listahan ng mga pumapasok na rehiyon para sa mid-season cup ngayong taon.

REGIONNUMBER OF TEAMSQUALIFYING TOURNAMENT
IndonesiaMPL Indonesia Season 13 grand finalists
PhilippinesMPL Philippines Season 13 grand finalists
MENA 1 slot for the MPL MENA Season 5 champion
1 slot for the highest ranked MPL MENA KSA Team (unless if Champion is from KSA, it would be then allocated to MPL MENA Champion and MPL MENA Runner-up)
MalaysiaMPL Malaysia Season 13 champion
SingaporeMPL Singapore Season 7 champion
CambodiaMPL Cambodia champion
MyanmarMyanmar Qualifier champion
North AmericaNACT 2024 Spring Fall champion
EECA MLBB Continental Championship champion
TurkeyMLBB Turkiye Championship champion
LATAM MPL LATAM champion
ChinaCN Qualifier champion
Wild Card MSC 2024 Wild Card champion

Bukod sa update ng MSC 2024, ang paparating na Mobile Legends: Bang Bang Women’s Invitational ay magtatampok ng mas mataas prize pool na USD 500,000 at paglalabanan ng 12 na kasaping bansa.

Ang torneo ay maglalaman ng mga rehiyon at bansa tulad ng Indonesia, Pilipinas, Malaysia & Singapore, China, Middle East & North Africa, Eastern Europe & Central Asia, Mekong Region (Laos, Cambodia, Myanmar, Thailand, Vietnam), Brazil, at North America.

Abangan ang iba pang detalye tungkol sa mga torneong ito sa mga paparating na mga araw.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 3 best items para kay Cici sa Mobile Legends: Bang Bang