Kamakailan ay inilahad ng Moonton Games ang komprehensibong esports roadmap kung saan pinasilip nila ang ambisyosong plano para sa Mobile Legends: Bang Bang esports sa loob at labas ng Southeast Asia

Isa sa pinakamalaking highlight ng esports calendar ngayong taon ay ang bagong Southeast Asia Cup (MSC).

ONIC Esports itinaas ang tropeyo ng MSC 2023
Credit: Moonton Games

Sa isang video announcement na inilabas nila sa kanilang YouTube channel, hindi lamang ipinakita ng developers ang rebranding ng nasabing torneo. Isinama dini nila ang mga rason ng pagbabago sa isa sa mga flagship events na ginahanap bawat taon.

Heto ang lahat ng pagbabago at improvements sa MSC torneo ngayong 2024

Team Occupy mula sa MENA nakalahok sa MSC 2023
Credit: Moonton Games

Ayon sa Moonton, nilalayon nilang palawigin ang kanilang vision na “Esports for Everyone” sa nasabing tournament, kasabay ng pagpapainam sa diversity at inclusivity para mabigyan ng pagkakataon ang global athletes na makapalagro sa isa sa pinaka-inaantabayanang torneo sa buong mundo.

Bilang pagsasalamin sa inisyatibong ito, ni-rebrand ng Moonton ang Southeast Asia Cup papunta sa Mid-Season Cup, hudyat ng expansion ng kumpetisyon sa Southeast Asia.

ONIC Esports wagi sa MSC 2023! Indonesia muling naghari sa Southeast Asia

Gaganapin ang tournament sa labas ng Southeast Asia sa unang pagkakataon, at magtatampok ng mas malaking prize pool para hikayatin ang bilang ng mga lalahok na rehiyon kabilang ang China.

Sa gumulong na MSC tournaments mula 2017 hanggang 2022, eksklusibo lamang para sa Southeast Asian teams ang patimpalak.

Gayunpaman, noong MSC 2023, nagkaroon ng malaking pagbabago kung saan isinali ng Moonton ang teams sa labas ng rehiyon. Sa pinakahuling edisyon ng torneo, nakalahok ang teams mula North America, Middle East and North Africa (MENA) at Turkey.



Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ganito tinulungan ng volleyball si BLCK Yue para makamit ang tagumpay sa MPL