Tabi muna, S.A.B.E.R. squad, paparating na sa Land of Dawn ang bagong intergalactic protector.

Ipinakita na ng Mobile Legends: Bang Bang ang Galactic Marshal Tigreal, ang pinakabagong Starlight skin para sa buwan ng Hunyo. Kapansin-pansin ang pagkaka-iba nito sa mga naunang skins ng hero dahil tampok dito ang futuristic elements na hango sa science fiction.

Bukod sa Galactic Marshal Tigreal skin, kasama rin sa pagpipiliang Starlight skins ang Combat Maiden Masha, Dark Earl Lancelot, Biosoldier Granger, at Double Identity Selena.

Unang sulyap sa Galactic Marshal Tigreal at skill effects nito

Futuristic ang dating ng bagong Galactic Marshal Tigreal skin na 'to
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Nagmukang mandirigma mula sa hinaharap si Tigreal sa bago niyang skin. Tampok dito ang umiilaw na berdeng martilyo at kalasag na tila mas malakas na kumpara sa nakagisnan niyang hawak.

Kahit pa Starlight skin lang, hindi naman tinipid ang mga effect sa skills nito gaya ng ipinakita sa teaser trailer. Mapa Epic o Collector skin ang kalabasan nito, tiyak na ikatutuwa ito ng mga Tigreal mains.

Futuristic ang dating ng bagong Galactic Marshal Tigreal skin na 'to
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Makatatanggap din ang mga bibili ng Starlight package para sa Hunyo ng iba’t-ibang rewards gaya ng Brody Sacred Statue, painted skin para kay Diggie, at eksklusibong emote ni Tigreal.

Makukuha ang Galactic Marshal Tigreal skin sa Hunyo 1.



Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Performance ni Wise sa 31st SEA Games patunay ng kanyang husay bilang jungler