Si Danerie James “Wise” Del Rosario ay isa sa mga pinakapipitagang jungler sa kasaysayan ng competitive Mobile Legends: Bang Bang. Sa dami ng napanalunan niyang titulo, naging sikat at matunog ang kanyang pangalan sa buong bansa kasama ang kanyang ka-duo na si, Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna.

Ngunit sa kabila ng lahat nang ito, nakakatanggap pa rin siya ng mga puna mula sa mga kritiko dahil sa kanyang limitadong hero pool, na karamihan ay mga marksman heroes sa jungle.

Gamit ang kanyang limitadong hero pool, ipinakita niyang sapat ito upang makakuha ang back-to-back MPL PH titles, pati na rin ang pinakaprestihiyosong MLBB tournament, ang M3 World Championship.

Sa 31st SEA Games, hindi lang niya pinatunayan na ang Philippine representative na Blacklist International ang pinakamahusay na MLBB team sa Southeast Asia, pinatunayan din niyang siya ay nag-evolve na at hindi na limitado ng kanyang karaniwang marksmen comfort picks.

Wise naging malikhain sa kanyang picks sa 31st SEA Games

MPL PH S8 Blacklist International OhMyV33nus and Wise Estes
Credit: Tammy David/Evident and Moonton

Noong M3 World Championship noong December, ang hero pool ng 21-anyos ay binubuo ng Yi Sun-Shin, Barats, Kimmy, at Aldous.

Ang apat na heroes na ito ang naghatid sa Blacklist International papunta sa kauna-unahan nitong world championship. Pagkatapos nhito, nagpasya ang V33Wise duo na magpahinga muna sa MPL PH Season 9.

Nagbalik ang duo para sa 31st Southeast Asian Games, ang kanilang unang pro play para sa taong 2022. Napansin ng mga fans na si Wise ay pumipili ng mga tank heroes na hindi tugma sa kanyang mga usual picks, kabilang sa mga heros na ito sina Baxia, Akai, Karina, at Balmond.

Ang pagbabagong ito ay marahil dulot ng pagsikat ng tank jungle meta kamakailan. Ngunit patunay din ito sa kakayahan ni Wise na mag-adapt kung kinakailangan. Ang kanyang pianakamahusay na laro sa tournament ay ang match laban sa Myanmar sa group stage, kung saan kontrolado niya ang buong mapa gamit ang kanyang Baxia na nakakuha ng perfect 3/0/8 KDA.



Mula sa pagiging isang jungler na pinupuna dahil sa kanyang limitadong hero pool hanggang sa maging isang world-class na Mobile Legends: Bang Bang star, tunay na kahanga-hanga ang layo ng narating ng isa sa mga susi ng tagumpay ng Blacklist International.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.