Matapos ang matinding buff sa Mobile legends patch 1.5.96, isang collector skin naman ang matatanggap ni Balmond ngayong buwan ng Agosto.

Ang God of Mountains Balmond, isang skin na hinihintay ng mga fans mula pa noong 2018, ay opisyal nang darating sa Mobile Legends: Bang Bang bilang isang collector skin.

God of Mountains Balmond announcement

MLBB GodofMountainsBalmond character
Credit: Moonton

Ang skin ay unang ipinakita sa Mobile Legends: Bang Bang’s official YouTube page, kung saan kamangha-manghang masasaksihan ang halimaw na naging isang mountain god.

Ang God of Mountains Balmond ay may bluish-green skin, kung saan nagmumukha syang isang jade statue na sikat sa Asia. May suot din syang magarbong armor at shoulder plate na bumabagay sa kanyang matikas na tindig.

Makikita rin ang kanyang giant axe na nababalot ng green, mystical powers. Ramdam na ramdam ang pagiging maharlika sa skin na ‘to, habang pinapakita mo ang iyong galing gamit ang isa saa mga pinakaunang heroes sa Land of Dawn.

God of Mountains Balmond skills

Ang mga collector skins ay nagbibigay ng pinakamagagandang visual skill changes sa lahat nang skin types.

Unang-una, nag-iiwan ang God of Mountains Balmond ng orange lightining trail kapag ginagamit nya ang Soul Lock. Para sa Cyclone Sweep, umiilaw ang kanyang axe at lumilikha ng isang light show sa pag-ikot nya.

At ang pinakahuli, ang kanyang ultimate na Lethal Counter ay naglalabas ng isang maangas na carving sa paghataw nya sa lupa.

Malapit nang maging available in-game ang God of Mountains Balmond.