Tiyak na masayang-masaya ngayon ang Kimmy mains sa pagpasok ng Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.10

Sa patch roll out na ito, tangka ng Moonton na ibalik ang dating popular na marksman/mage hero sa meta sa  pamamagitan ng mga improvements sa kaniyang basic attack animation at kill potential.


Pinalakas na Kimmy sa MLBB patch 1.6.10

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Sa inilabas na patch 1.6.10 highlights sa Mobile Legends: Bang Bang’s YouTube page, ibinahagi ng developers na prayoridad nilang ilabas ang pinalakas na Kimmy sa nasabing patch.

Isa sa mga pinakatampok na pagbabago sa Jetpack Rebel ngayon ay ang indicator para sa kaniyang basic attack at empowered attacks. Malaki ang tulong nito para mabilis na maitutok ng hero ang atake sa mga kalaban.

Pinaganda rin ang itsura ng kaniyang basic attacks na mas nagpa-swabe sa gameplay ng hero. Bukod dito, pinataas din ang hit rate ng kaniyang first skill na Energy Transformation.

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Ano ang ibig sabihin nito para sa Kimmy

Credit: Moonton

Tipikal na angal ng mga players ng hero ang hirap ng pagtutok ng kaniyang basic attacks. Ngayong binigyan na ang hero ng attack indicator, siguradong mangangalampag sa mga ranked games ang pinalakas na Kimmy.

Bagamat hindi nito naapektuhan ang kanyang damage, malaking tulong ang pagbabagong ito dahil mas tataas ang hit rate ng kaniyang basic attacks na nangangahulugan ding mas tumpak ang damage output ng hero.

Makikita ba natin ang pinalakas na Kimmy sa MLBB pro scene? Abangan natin ito sa pagbubukas ng MPL PH S8!

Hango sa sulat ni Jules Elona ng One Esports.

BASAHIN: MLBB Galaw-ONE: Unawain ang mga Buffs sa MLBB at mga epekto nito