Si Karina nga ba ang pinakamalakas na hero ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang?

Umaarangkada na sa ngayon ang playoffs ng MPL Indonesia Season 9 kung saan anim na koponan ang nagsasagupaan. Sa regular season ng naturang liga, nabuhay ang double roamer meta at ang tank jungle strat.

Pero para kay Aura Fire analyst Yosua “Tezet” Sanger, may natatanging hero na talagang angat sa kompetisyon.


Aura Tezet sinabing si Karina ang pinaka-overpowered na hero ngayong season

Credit: ONE Esports

Sa isang panayam kasama ang mga media noong Week 8 ng MPL ID regular season, iisang hero lang ang nasa isipan ni Aura Fire analyst Tezet nang tangungin kung sino ang sa tingin niya’y pinakamalakas na hero sa regular season.

“Karina,” ang mabilis na sagot niya. “Siguro dahil magaling kami sa paggamit ng hero na ‘yon.”

Isang staple pick ang mage assassin sa rehiyon mula pa noong nagsimula ang season. 27 beses siyang na-pick at 35 beses na-ban, patunay na isa siya sa mga pinaka-contested na hero sa MPL ID Season 9.

Sa katunayan, ang jungler ng koponan na si Jehuda Jordan “High” Sumual ay isang kilala Karina user noon pang MPL ID Season 8.


Bakit nga ba magandang pick si Karina ngayong season?

Karina
Credit: Moonton

Nakokontra ni Karina ang halos lahat ng marksman heroes sa Land of Dawn, salamat sa kanyang first skill na Dance of Blades na hinaharang ang lahat ng basic attack damage na binabato sa kanya.

Ang kanyang passive naman na Shadow Combo ay binibigyan siya ng abilidad na makapagbitaw ng true damage. Sapat na ito para matapyasan niya ang buhay ng mga kalaban kaya naman swak pa rin kahit na full defensive item build ang gawin sa kanya.

At dahil sikat na sikat ngayon ang tank jungle meta, nananatili siyang isa sa pinakamalakas na assassin hero ngayon sa Mobile Legends.

Maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita, guides at highlights patungkol sa MLBB.


Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Jules Elona ng ONE Esports.