Ang double roamer meta ay isang stratehiya na madalas pag-usapan ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang, ngunit medyo mahirap maintindihan at i-execute.

Sikat ang meta na ito sa MPL Indonesia Season 9 at paminsan-minsan ay nakikita rin ito sa MPL Philippines Season 9. Kaya hindi na rin kataka-taka na marami nang manlalaro ang inaral ito at may mga content creator na rin na tinalakay ito nang mas malalim.


Ano ang double roamer meta sa MLBB?

Mula na mismo sa pangalan nito, ang double roamer meta ang pagtalaga ng dalawang heroes sa roamer role.

Nangangahulugan na ito na ang dalawang manlalarong ilalagay dito ay hindi makakakuha ng maximum XP at gold mula sa minions dahil hindi sila nagfa-farm sa lane.

Marami pa rin ang nalilito sa stratehiyang ito kaya naman gumawa ang ONE Esports ng tutorial para dito.


Hindi mairerekomenda ang paggamit ng double roamer meta para sa mga solo players

Sa totoo lang, napakahirap ‘to gawin para sa mga solo players dahil susi dito ang komunikasyon o pag-uusap sa pagitan ng dalawang roamer. Mahirap ang paghati ng mga task sa pagitan ng tank-roamer at midlaner-roamer kaya naman hindi maggiging madali para sa isang solo player na subukan ito.

Bukod sa mahirap ang pag-connect sa pagitan ng dalawang roamer, dapat aware din ang jungler at gold laner na ginagawa ito ng inyong koponan.


Paano gawin ang double roamer meta?

Credit: Moonton

Una sa lahat, maigi na maglaro kayo bilang five-man para swabe ang communication nang sa gayon ay madali kayong magkaintindihan pagdating sa shot call.

Sunod na importante ang pagpili ng gagamitin niyong heroes. Pumili ng dalawang roaming heroes na mataas ang mobility at disente ang crowd control abilities. Maganda rin kung ang isa ay may burst damage sa early game.

Ang pinaka-popular na combo sa strategy na ito ay ang Johnson-Kadita na kamakailan ay ginamit ng nangungunang MPL PH Season 9 team na ECHO laban sa M3 world champion Blacklist International.

Ang iba pang swak na combo para dito ay ang Selena-Mathilda, Selena-Chou, Mathilda-Chou at Selena-Diggie. Sa MPL PH, may gumagamit pa nga paminsanan ng Natalia-Jawhead duo.

Kadita
Credit: Moonton

Ang basic task ng dalawang roamer ay magbigay ng kalamangan pagdating sa mga ganks at team fight dahil sila ay may mataas na mobilty at palaging umiikot sa mapa.

Karaniwang problema sa meta na ‘to ang pag-clear ng minion waves sa mid lane dahil kung tutuusin ay wala sa kanila ang talagang magbabantay ng lane. Kaya dapat siguraduhin na ang ilalagay sa mid sa early game ay ‘yung hero na mas kailangang makaabot agad ng level 4.

Kailangan bang bumili agad ng roaming items ang parehong roamer sa simula ng laro? Depende ito sa inyo. Pero maigi na mag-level 4 muna ang midlaner bago bumili. Ang risk nga lang nito ay mas tatagal ang pag-activate ng Blessing (Conceal, Encourage, Favor, Dire Hit).

Kapag na-activate na ang Blessing sa isang roamer, siya muna ang papuntahin sa lane para mas yumaman siya at ang isa naman ay makapag-stack na ng gold para ma-activate naman ang kanyang Blessing.

‘Di naman kailangan na maging tiga-clear ng minion waves sa mid ang isang roamer. Pagdating ng 5-minute mark, pwede nang ‘yung jungler ang mag-clear ng mid minions para mas tumaas ang kanyang net worth o kaya pwede rin na kunin ito ng gold laner para dalawang lanes ang nafa-farm niya.


Ano nga ba ang silbi ng double roamer meta?

MLBB Chou Thunderfist skin
Credit: Moonton

Gamit ang double roamer meta, mas mabilis yumayaman ang mga core heroes ng isang koponan. Bukod pa rito, nagkakaroon ng karagdagang Blessing (halimbawa: Conceal at Encourage) na malaki ang naitutulong pagdating sa pag-initiate ng pickoffs o team fights.

Mahirap i-execute ito kaya hindi na rin kataka-taka na kadalasan lang itong gamitin ng mga pro players. Pero ‘wag na tayong magugulat kung sa madaling hinaharap ay madalas na rin natin itong makita sa ranked games.

Para sa iba pang MLBB guides, news at features, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.