Matapos ang matinding salpukan na naganap sa Week 2 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 9 (MPL PH Season 9), itinala ng ECHO ang malinis na 4-0 record papunta sa rurok ng standings.

Bukod sa sandamukal na bilang ng stars sa kanilang hanay ay hindi maitatanggi ang chemistry na mayroon ang team, lalo pa’t mahusay rin ang coaching staff na gumagabay sa kanila sa kanilang kampanya ngayong Season. Kaya hindi rin kataka-taka kung bakit kumpiyansa ang galaw ng pangkat ni Coach Michael Angelo “Arcadia” Bocado sa kanilang mga laban.

Mas naging kanpansin-pansin ito ng isalang nila kontra Blacklist International ang Johnson at Kadita combo.


Ano ang Johnson at Kadita combo?

Credit: Moonton

Ang Johnson at Kadita combo ay isang cheese strat na unang namataan noong nakaraang taon kung kalian pasok pa sa meta ang mga hero. Madali paganahin ang strat na ito, at higit sa lahat ay masayang laruin in-game.

Simpe lang ang gagawin ng duo na gustong isalang ang combo na ito. Dadalhin ng Johnson ang Kadita kapag in-activate niya ang kaniyang ultimate na Rapid Touchdown. Kapag nakatama ng kalaban ay agad na babanatan ng Kadita ang mg nai-stun na heroes ng Rough Waves para tuluyan silang malapnos.

Madalas ay ito lamang ang kailangan para makaselyo ng kill, lalo na kung kalabang marksman o support ang mabibiktima ng nasabing kombinasyon.

Sa paggulong ng meta ay natagpuan din ng mga players ang pangontra sa Johnson at Kadita combo kaya naman naging isang alala na lamang ito para sa mga Mobile Legends players.


Binuhay muli ng ECHO ang Johnson at Kadita combo sa pro play

Credit: ECHO Philippines

Sorpresa para sa mga miron ng isalang ng ECHO ang cheese strat na ito sa MPL kontra pa sa defending champions na Blacklist International sa game 2 ng kanilang Week 2 bakbakan. 

Hinawakan ni Tristan “Yawi” Cabrera ang Kadita habang si Jankurt Russel “KurTzy” Matira ang nagmaneho gamit ang Johnson para sirain ang early game galawan ng Blacklist. Muli’t-muling nabiktima ang Lunox ni Kiel “OHEB” Soriano sa gold lane na epektibong sumira ng kaniyang farm, habang nasira ang momentum na balak sanang dalhin ng Yve ni Salic “Hadji” Imam.

Ligalig at kaba ang dala ng support duo na umikot ng paulit-ulit sa mapa para mabigyan ng espasyo ang kanilang core players para maka-farm sa kanilang mga lanes.

Matapos ang ilang pick-offs para sa ECHO, pasabog ang ginawang ending ng team ng salpukin ng Johnson at Kadita combo ang Blacklist sa kanilang base para kumpletuhin ang wipe out at isarado ang sweep sa 2-0. 

Masusubukan ang tikas ng tinaguriang “Super Team” ngayong Sabado, March 5, kontra naman sa nagbabagang RSG Philippines.

Subaybayan ang mga balita sa MPL sa pamamagitan ng pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: OHEB at DEX STAR inilahad ang dapat pang pagtuunan ng pansin ng Blacklist ngayong Season 9