Marami ang nakatutok sa paglabas ng mga jungler tank matapos ang Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.66. Bukod sa mga dumating na buffs sa maraming tank heroes, nagkaroon din ng bagong Retribution effect na para lang sa mga tank heroes.

Makikitang gusto talaga ng Moonton na piliin ng mga players ang mga tank heroes bilang jungler. Subalit hindi lahat nang teams sa MPL ID ay palaging gumagamit nito. Marami pa ring mas pumipili ng mga assassins para sa role na ito, dahil mas sanay at mas komportable ang mga junglers ng MPL ID sa mga heroes na ito.

Ang tanging hero na umangat sa SSS tier sa competitive scene ay si Baxia. Agad na nagpakita ang hero na ito sa MPL ID S9 pagkatapos ng patch update.

Sa katunayan, marami pang mga heroes na epektibong gamitin bilang jungler tank. Nasa team na lang ito kung gaano sila katapang na gamitin ito.

3 best jungler tank heroes maliban kay Baxia

Sino nga ba ang mga best jungler tank heroes na pwedeng gamitin maliban kay Baxia? Dahil nagsimula nang pumasok sa tier priority list si Baxia, narito ang 3 best jungler tank heroes ayon sa ONE Esports.

Sa totoo lang, marami pang ibang mga tank heroes na pwedeng gamitin sa jungler role, subalit itong tatlong ito ang sa tingin naming may kayang mag-jungle nang epektibo at mabisa.

Belerick

MLBB Belerick
Credit: Moonton

Isa sa mga tank heroes na may jungling ability na halos kasingbilis ng kay Baxia. Ang hero na ito ay meron ding passive na nagiging counter sa mga melee heroes, lalo na sa mga meta heroes tulad nina Masha at Hilda.

Mataas din ang kanyang mobility dahil sa kanyang Skill 2. Nakakapagtaka na hindi pa lumalabas si Belerick sa competitive scene.

Minotaur

MLBB Minotaur
Credit: Moonton

Isa sa mga heroes na ginamit ni High bilang jungler sa MPL ID S8. Pagkatapos ng patch ay tumaas ang strength ni Minotaur, lalo na pagdating sa damage.

Tumataas ang strength ni Minotaur sa loob ng 3 segundo matapos niyang gumawa ng basic attack. Isang katangian kung bakit mas madali mag-jungle gamit ang hero na ito.

Johnson

MLBB Johnson
Credit: Moonton

Kakaiba ang katangian ni Johnson sa roaming lalo na pag nag-transform sya upang maging isang kotse. Ngunit binigyan siya ng Moonton ng bagong ability upang maging mas epektibo bilang jungler.

May dagdag damage ang Skill 2 kung kaya’t maaaring ikonsiderang jungler si Johnson. Sa katunayan, nakitaan ito ng potensyal ng RRQ Sena at ginamit ito sa MDL.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.