Malaking pagbabago sa meta ang nagbabadya sa paglapag ng MLBB patch 1.6.66.

Bukod sa sandamakmak na adjustment sa mga hero, battlefield, at equipment, ipinakilala din ng Moonton ang bagong Mage hero na si Xavier.

Narito ang kumpletong listahan ng mga hero na nabigyan ng buff at nerf.

Bagong hero na si Xavier, ipinakilala sa MLBB Patch 1.6.66

MLBB Patch 1.6.66: Kilalanin ang mga hero na nabigyan ng buffs at nerfs
Credit: Moonton

Passive – Transcendence

Ine-enhance ni Xavier ang susunod niyang skill tuwing mapapatama sa kalabang hero ang kanyang skills. May tatlong stages ang kanyang enhancement. ‘Pag nasa Stage III, papasok sa Transcendence state si Xavier sa susunod na gagamit siya ng skills. Habang nasa estadong ito, lahat ng skill niya ay enhanced nang todo.

Skill 1 – Infinite Extension

Babaril si Xavier ng Mystic Bullet na magdi-deal ng Magic Damage sa mga kalaban sa path nito. Mas lalayo ang flying distance ng bala tuwing tatama ito sa kalaban or sa Mystic Barrier mula sa kanyang Skill 2.

Skill 2 – Mystic Field

Gagawa si Xavier ng Mystic Barrier na nakaka-slow sa mga kalaban at nakakapagpabilis sa mga kakampi na didikit dito. Mag-expand sa isang forbidden field ang Barrier ‘pag natamaan ng Mystic Bullet mula sa kanyang Skill 1. Mai-immobilize nito ang mga kalaban at mapapabilis naman ang mga kakampi sa area.

Ultimate – Dawning Light

Maglalabas ng Mystic magic sa target direction si Xavier. Magdi-deal ito ng damage sa lahat ng kalabang nakalinya sa mapa. Direkta rin siyang makakapasok sa Transcendence state.

Mga hero na binigyan ng buff sa MLBB Patch 1.6.66

Melissa

MLBB Patch 1.6.66: Kilalanin ang mga hero na nabigyan ng buffs at nerfs
Credit: Moonton

In-optimize ng Moonton ang casting experience ng Ultimate ni Melissa habang pinakinis din ang damage spikes kontra iba’t-ibang klase ng kalaban.

Passive Doll Buster

  • Extra Damage: 150% > 125%
  • Bagong Effect: May increased damage sa creeps na rin si Melissa.

Skill 2 Eyes on You!

  • Damage Transfer: 65% > 70%
  • Mana Cost: 50-0 > 75-0
  • Bagong Effect: Pwede na mag-link si Muddles sa summoned units.
    • Damage kontra Linked Heroes: 197.5% > 187.5%
    • Damage kontra Linked Summoned Units: 150% > 187.5%
    • Damage kontra Creeps: 100% > 125%
    • Damage kontra Minions at Unlinked Summoned Units: 150% > 125%

Go Away! – Ultimate

  • Bagong Effect: Nagkakaroon na si Melissa ng 6-10 Physical at Magic Defense tuwing active ang skill.
  • Bagong Effect: Gagalaw na ang field kasama ni Melissa ‘pag nadikit siya sa boundary.
  • Cooldown: 40-32 segundo > 50-40 segundo.

Masha

MLBB Patch 1.6.66: Kilalanin ang mga hero na nabigyan ng buffs at nerfs
Credit: Moonton

Gusto ni Moonton para kay Masha na maging TankFighter na may totoong HP bars at makapag-deal ng mas mataas na damage ‘pag mababa na ang HP nito.

  • HP Growth: 52 > 165

Ancient Strength – Passive

  • Extra Attack Speed kada 1% HP Lost: 1% > 1.8%
  • Max Extra Attack Speed: 80% > 180%
  • Pinababa nang sobra ang Energy Regen

Wild Power – Skill 1

  • Base Damage: 120 > 75
  • Extra Damage: 1%-2.5% ng Max HP ng Target > 1.5%-3.5% ng Max HP ni Masha
  • HP Cost: 1%-1.5% ng 3 HP Bars > 3% ng 1 HP Bar

Howl Shock – Skill 2

  • Tumatagos na sa minions ang energy shock.

Thunderclap – Ultimate

  • Damage: 100% Physical attack + 15%-25% ng Max HP ng target > 500-700 +30%-50% ng Extra Max HP ni Masha
  • HP Cost: 30% > 50%

Hilda

MLBB Patch 1.6.66: Kilalanin ang mga hero na nabigyan ng buffs at nerfs
Credit: Moonton

Bagamat sakit sa ulo sa kalaban pag dating ng mid hanggang late game, mahina pa rin si Hilda sa laning phase. In-adjust ni Moonton ang kakayahan nitong mag-scale para mabalanse ang lakas nito sa kahabaan ng laban.

Combat Ritual – Skill 1

  • Base Damage: 200-350 > 200-300

Art of Hunting – Skill 2

  • Base Damage: 185-285 > 210-360
  • Cooldown: 9 segundo > 8-6 segundo
  • Bahagya rin pinataas ang distance ng dash, in-optimize din ang skill casting experience.

Power of Wildness Ultimate

  • Revamped: Nagkakaroon si Hilda ng permanent stack sa kada kill o assist (hanggang 8 stacks) > Ang mga skill at basic attack ni Hilda ay naga-apply ng marka sa target na tatamaan (hanggang 6 na stacks)
  • Base Damage 800-1000 > 600-1000
  • Damage Increase kada Stack: 25-35 > 2.5-4.5% ng Max HP ng Target
  • Damage Increase ‘pag Full Stacks: 50% Total Damage > 5-9% ng Max HP ng Target 

Grock

MLBB Patch 1.6.66: Kilalanin ang mga hero na nabigyan ng buffs at nerfs
Credit: Moonton

Para bumagay sa bagong meta ang lumang hero, binigyan ni Moonton si Grock ng bagong skill at ilang buff sa kanyang crowd control. Ngayon, mas disente na ang Physical Defense ng hero kahit pa mag full-damage build. Sa kabila nito, mas mahina na ang hero kontra Magic Damage.

Earthen Force – Passive

  • Pinalitan ang pangalan ng passive mula sa Ancestral Gift
  • Tinanggal na effect: Nagkakaroon ng extra Magic Defense si Grock pag malapit sa pader.
  • Bagong effect: Nagkakaroon si Grock ng dagdag 0.6 Physical Defense sa kada point ng extra Physical Attack na meron siya.
  • HP Regen ‘pag malapit sa pader: 16-39 > 22 – 90

Guardian’s Barrier Skill 2

  • Hindi na maba-block ng Guardian’s Bulwark ni Lolita ang shockwave nito. Bahagya ring pinabilis ang flying speed.

Earthen Force Ultimate

  • Tinanggal na effect: Nire-refund ang 30% ng cooldown ng skill ‘pag napatama sa pader.
  • Bagong effect: 1.8s stun sa mga malalapit na kalaban ‘pag napatama sa pader.
  • Cooldown: 50 – 40s > 46-38s

Belerick

MLBB Patch 1.6.66: Kilalanin ang mga hero na nabigyan ng buffs at nerfs
Credit: Moonton

Binigyan ni Moonton ng major buff ang Ultimate ni Belerick pero pinahina rin ang makukuha niya sa pag gamit ng ilang bagong defensive equipment.

Attributes

  • Base HP: 2769 > 2569
  • HP Growth: 205 > 225

Deadly Thorns Passive

  • Damage: 95 +(5 x Hero Level) + 2% Maax HP > 95 + (5 x Hero Level) + 1.5% Max HP
  • Bonus HP mula sa equipment at emblems: 40% > 30%
  • Pina-prioritize na nito ang mga kalabang hero.
  • Inayos ang issue kung saan hindi nati-trigger ang Deadly Thorns kapag protektado ng shield si Belerick.

Wrath of Dryad – Ultimate

  • Cooldown: 40-32 segundo > 50-42 segundo
  • May 1.5 segundong Taunt na rin sa mga kalaban, imbis na 2 segundong immobilized.
  • Pinabilis ang speed ng pag-spread ng vines.

Atlas

MLBB Patch 1.6.66: Kilalanin ang mga hero na nabigyan ng buffs at nerfs
Credit: Moonton

Binigyan ng Northern Vale si Atlas ng bagong kapangyarihan.

Frigid Breath Passive

  • Revamped Effect: Ang mga kalaban na apektado ng Frigid Breath ay magkakaroon ng bahagyang pagbagal sa kanilang Movement Speed sa loob ng 3 segundo, pagkatapos nito, sila ay mafo-frozen sa loob ng 0.5 segundo. (Tinanggal ang Attack speed reduction effect).

Fatal Links Ultimate

  • Damage ng Second Attack: 360 + 120% Magic Power > 360 + 180% ng Magic Power

Johnson

MLBB Patch 1.6.66: Kilalanin ang mga hero na nabigyan ng buffs at nerfs
Credit: Moonton

Pinaganda ng Moonton ang pag-scale ni Johnson gamit ang equipment para dumami ang posibilidad kung paano siya laruin.

Deadly Pincers Skill 1

  • Cooldown: 9-6 segundo > 8 segundo sa lahat ng levels.
  • Damage: 150-250 + 200% ng Physical Defense > 120-220 + +220% ng Physical Defense

Electromag Rays Skill 2

  • Cooldown: 11-8.5 segundo > 10-8 segundo
  • Damage: 100-175 + 40% Magic Power > 80-180 + 60% Magic Power
  • Bagong effect: Ang mga kalabang tatamman ng Electromag Rays ay makakatanggap ng 15% increased damage sa susunod na atake (hanggang 45%).
  • Bagong effect: Pinataas ng 50% ang damage kontra creeps.

Rapid Touchdown – Ultimate

  • Max Damage: 525-875 + 280% Magic Power > 450-750 + 280% Magic Power
  • Sustained Damage: 80-120 + 20% Magic Power > 60-100 + 20% Magic Power

Gatotkaca

Bahagyang pinataas ng Moonton ang access ng tank sa kanyang Ultimate.

Avatar of the Guardian – Ultimate

  • Cooldown: 60-50 segundo > 54-46 segundo

Minotaur

Bahagyang pinalakas ng Moonton ang non-Enraged state ni Minotaur.

Despair Stomp – Skill 1

  • Kung mapapatama, ie-enhance nito ang Basic Attacks ni Minotaur sa susunod na 3 segundo para makapag-deal ng extra damage.

Baxia

Pinaganda ni Moonton ang potensiyal ng hero sa early game.

Shield of Spirit – Skill 2

  • Base Damage: 125-250 > 180-255
  • Cooldown: 9-6s > 10-7s
  • In-optimize ang calculation ng cooldown, ngayon, mas maiksi na ang mga cooldown ni Baxia sa mga partikular na kaso.

Guinevere

Hindi na kailangang dumepende ni Guinevere sa Spatial Migration hits para makapagbukas ng mas maraming posibilidad kung paano siya laruin.

Super Magic – Passive

  • Bagong Effect: Ang Skill 1, 2, at enhanced basic attack ni Guinevere ay maglalapat ng marka sa loob ng 4 na segundo kung tatama (hanggang 3 marks). Ang mga kalabang may marka ay mana-knock airborne ‘pag tinamaan ng kanyang Ultimate.
  • HP Regen ng Enhanced Basic Attack: 8% Lost HP > 80 + 8% Lost HP
  • Iba pang optimization: Nagdagdag ng range indicator sa enhanced Basic Attack.

Wanwan

MLBB Patch 1.6.66: Kilalanin ang mga hero na nabigyan ng buffs at nerfs

Pinadali ng Moonton ang casting mechanic ng kanyang Ultimate para mas maraming player ang gumamit kay Wanwan.

Tiger Pace – Passive

  • Number of Weaknesses: 4 > 3
  • Weakness Damage Increase: 40% kung lahat ng Weaknesses ay tatama > 12% sa bawat Weakness na tatama
  • Vision Reveal Duration: 6s > 5s
  • Damage Increase Duration: 6s > 5s

Crossbow of Tang – Ultimate

  • Pwede nang gamitin ni Wanwan ang Ultimate habang tumatalon.

Ling

MLBB Patch 1.6.66: Kilalanin ang mga hero na nabigyan ng buffs at nerfs
Credit: Moonton

Inayos ng Moonton ang mobility power ni Ling para magamit siya sa mas mababang rank.

Cloud Walker – Passive

  • Wala nang 15% Crit Chance sa simula ng laro.
  • Bagong Effect: Meron nang double Crit Chance si Ling mula sa lahat ng sources.

Finch Poise – Skill 1

  • Cooldown: 10s > 20s
  • Energy Cost: 35 > 30
  • Extra Crit Chance: 5%-17.5% >> 2.5%-10% (5%-20% considering the Passive)

Defiant Sword – Skill 2

  • Base Damage: 230-305 >> 300-400

Tempest of Balde – Ultimate

  • Bagong Effect: ‘Pag nadikit si Ling sa Tempest of Blades, mababawasan ang cooldown ng kanyang Skill 1 ng 4 na segundo.

Zhask

May bagong passive si Zhask para mapataas ang sustainability niya habang naka-Ultimate.

Decimation – Passive

  • Revamped Effect: ‘Pag namatay, magsa-summon si Zhask ng Nightmaric Spawn sa lugar kung saan siya namatay. Nababawasan ang buhay ng mga ito hanggang sa mamatay.
  • Inayos ang issue kung saan hindi umaatake sa kalabang hero ang mga Nightmaric Spawn.
  • In-optimize ang targeting ng Mind Eater na kina-cast ng Nightmaric Spawn.

Dominator’s Descent – Ultimate

  • Bagong Effect: Nagre-recover ng HP ang mga Nightmaric Spawn base sa damage na na-deal ng Basic Attacks sa duration ng skill.
  • Bahagyang binawasan ang enhanced HP ng Nightmaric Spawn.

Martis

Pinakinis ni Moonton ang pag-scale ni Martis sa laro.

Mortal Coil – Skill 2

  • Damage ng unang tatlong atake: 150-200 + 70% Total Physical Attack > 150-200 + 75% Extra Physical Attack
  • Damage ng ika-apat na atake: 200-300 + 150% Extra Physical Attack > 300-400 + 150% Extra Physical Attack

Decimation – Ultimate

  • Base Damage: 650-850 > 800-1000

Floryn

Pinalakas ng Moonton ang healing power ni Floryn.

Sow – Skill 1

  • Base HP Regen: 150-250 > 175-250

Bloom – Ultimate

  • Base HP Regen: 400-600 > 400-650

Miya

MLBB Patch 1.6.66: Kilalanin ang mga hero na nabigyan ng buffs at nerfs
Credit: Moonton

Inayos ng Moonton ang issue sa Skill 1 ni Miya pero binawasan naman ang damage scaling nito sa kahabaan ng laro.

Moon Arrow – Skill 1

  • Inayos ang issue kung saan hindi nagii-scale sa skill level ang damage.
  • Base damage sa primary target: 10-60 > 10-35

Alpha

Pinataas ang hit rate ng Ultimate ni Alpha.

Alpha, Charge – Ultimate

  • Pinataas ang width ng skill. Mas akma na sa skill indicator ang landing point.

Mga hero na binigyan ng nerf sa MLBB Patch 1.6.66

Hylos

MLBB Patch 1.6.66: Kilalanin ang mga hero na nabigyan ng buffs at nerfs

Pinahina ng Moonton si Hylos sa late game.

Attributes

  • Base HP: 3109 > 2909
  • HP Growth: 340 > 360

Ring of Punishment – Skill 2

  • Base Damage: 120-270 > 100-300
  • Movement Speed Reduction: 6% at All Levels > 4%-6%

Valentina

Pinahina ang lakas ng hero sa lane pero pinalakas naman ang early game damage nito.

Primal Force – Passive

  • Extra EXP: 22-50 >> 15-50 (Scales with level)
  • Lifesteal: 46-60% >> 32-60% (Scales with level)

Shadow Strike – Skill 1

  • Base Damage: 290-665 >> 340-665

Aulus

Pinahina ang early game ng hero para maging mas maayos na late game hero.

Attribute

  • Base Physical Attack: 99 > 90

The Power of Axe – Skill 2

  • Base Damage: 200-600 > 150-550

Lancelot

MLBB Patch 1.6.66: Kilalanin ang mga hero na nabigyan ng buffs at nerfs
Credit: Moonton

Pinahina ang damage ni Lancelot sa early to mid game.

Thorned Rose – Skill 2

  • Base Damage: 250-450 > 225-400

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 3 meta heroes sa MLBB na hindi basta-basta mapapalitan