Sa match nila laban sa Alter Ego, unang beses pinili laruin ni EVOS Clover si Melissa ng MLBB sa MPL ID S9 event. Bilang isang goldlaner, nagwagi siya sa pagbigay ng halaga sa hero na ito sa EVOS Legends game. 

Nilaro ni Clover si Melissa sa pangatlong game, o ang stipulation match laban sa Alter Ego. Nakakuha siya ng isang KDA na 2/2/4 sa buong laro at naging pangalawa sa pinakamayaman na hero sa kanilang match laban sa mga EVOS legends jungler na si Ferxiic na nilaro si Ling. 

Ang pagpili ni Clover sa hero na ito ay nagbigay daan para makaiwas siya sa mga atake mula sa mga heroes ng Alter Ego tulad nina Dyrroth, Yu Zhong, Mathilda, at Yin. Nag-survive siya habang nagdulot ng damage. 

Naging player na may pinakakaunting damage na natanggap si Clover. Sa damage naman, nakipagsabayan siya kina Ferxicc, Luminaire, at Antimage. 

Sa match na ‘yon, ang builg item ni Clover para sa hero ay may iilang main items tulad ng Tough Boots, Windtalker, Demon Hunter Sword, Wind of Nature, at Berserker’s Fury. 

Nakikita ni EVOS Clover si Melissa bilang tulad ng ibang mga Marksman 

MLBB EVOS Clover Melissa
Credit: ONE Esports

Matapos ang match, natanong ng ONE Esports si Clover kung bakit niya napili ang hero na ito. Hindi naman ito imposibleng gawin, dahil naging overpowered (OP) ang hero na ito sa goldlaner position. 

Sa mga iilang streams, nakita na nilaro na ito ni Clover, bago niya ito ginamit sa isang event na kasinglaki ng MPL ID S9. 

Ngunit nakikita ni Clover na ang lakas ni Melissa ay hindi masiyadong kakaiba kumpara sa iba pang mga Marksman heroes, at walang espesyal tungkol sa hero na ito. 
 
“I often spam Melissa because I am blind to the hero. Actually, because I was afraid that one day I would play against Melissa, so that’s why I played this hero so I know what kind of hero this is,” sinabi ni Clover sa ONE Esports. 

 
“When asked about what kind of OP Melissa is, I think it’s the same as other Marksman heroes. This hero is good,” sabi niya. 

Maliban kay Clover, dati nang ginamit ito ni CW ng ONIC Esports noong hinarap nila ang Bigetron Alpha. Kasalukuyang mayroon siyang 100 percent win rate, kahit na dalawang beses pa lamang siya nilaro sa MPL ID S9. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, How OP Melissa MLBB? This is EVOS Clover’s response