Siguradong marami ng fans ang sabik nang magsimula ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL).

Bilang patikim sa nalalapit na pagbubukas nito, naglabas ang Mobile Legends: Bang Bang ng isang teaser para sa preskong E-girl wanwan, ang pinakabagong MPL skin ngayong season.

Anunsyo tungkol sa MPL skin na E-girl Wanwan

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Para dagdagan ang excitement ng paparating na MPL, inanunsyo ng MLBB ang pinakauna nilang MPL skin sa pamamagitan ng isang video sa kanilang official Youtube page. 

Tampok sa nasabing video ang futuristic gamer girl outfit ni Wanwan, na mas pina-cute pa ng cat ears, headphones at binagayan pa ng stylish na skirt.

Samantala, inilabas ang MPL skin bilang pagkilala sa magigiting na pro players na patuloy na humaharap sa pinakamalaking hamon sa mundo ng MLBB.


Itsura ng skills ng E-girl Wanwan skin

Siguradong magiging patok ito sa mga Wanwan mains, lalung-lalo na sa mga hindi nakakuha ng Pixel Blast Wanwan. Ito ay dahil may pagkakahawig ang mga skill effects gayundin ang overall vibe ng bagong MPL skin sa nasabing collector’s skin. 

Nasa kategoryang Special Skin ang E-girl Wanwan skin, kaya naman may mga pagbabago ring ginawa sa kaniyang skill effects. Kumikinang na mga daggers ang ibinabato ng Agile Tiger sa kaniyang basic attack gayundin para sa kaniyang first skill na. Shallow’s Path.

Lumalabas naman ang mga letrang “MPL” kapag nahanap na niya ang apat na weaknesses ng target hero at kapag ina-activate niya ang Needles in Flowers. Kapag naman in-activate niya ang Crossbow of Tang, may mga pixels na lumalabas sa kaniyang gauntlet na bagay na bagay sa kaniyang E-girl look.

Antabayanan ang paglabas ng E-girl Wanwan sa pamamagitan ng pag-subscribe sa official Youtube page ng MLBB.

BASAHIN: God of Mountains Balmond isang maharlikang diyos ng digmaan