Ang pangatlong hero sa Forsaken Light series ng Mobile Legends: Bang Bang na sumunod sa fighter na si Yin at marksman na si Melissa ay ang mage hero na si Xavier. 

Ang pinakakakaibang aspeto sa kaniya ay ang kaniyang Dawning Light ultimate, ang kauna-unahang global skill sa Mobile Legends. 

Matapos magbigay pugay kina Ryoment Sukuna at Nobara Kugisaki ng Jujutsu Kaisen, kumuha ng inspirasyon si Xavier mula kay Satoru Gojo, ang pinakamalakas na sorcerer sa anime franchise. Sa ibang salita, asahan ng mga MLBB players na magiging magara, mayabang, at mapanira ang Defier of Light. 

Kasabay nito lumabas ang global release ng Jujutsu Kaisen 0 movie, at hindi na kami makahintay pa na makita siya in action sa aming mga phones at sa big screen. 

Mga skills at abilities ni Xavier sa Mobile Legends: Bang Bang 

Unang skill – Infinite Extension 

MLBB Xavier Infinite Extension
Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Nagbabato ng isang mystic bullet si Xavier na nakaka-damage ng kabalan sa isang tuwid na linya. Tumataas ang flying distance ng bullet sa bawat beses na tumatama ito sa target. Ito ang kaniyang unang damage skill. 

Pangalawang skill – Mystic Field 

MLBB Xavier Mystic Field
Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Ang Mystic Field ay isang functional skill na pinaghalo ang paghahabol, pagtakas, at crowd control. 

Gumagawa ng isang mystic barrier si Xavier na nakakabagal ng kalaban at nagpapabilis ng kakampi. Kung matatamaan ang barrier ng kaniyang iba pang skills, lalaki ito at magiging isang forbidden field kung saan hindi makakagalaw ang mga kalaban na nasa loob.  

Ultimate – Dawning Light 

MLBB Xavier Dawning Light Ultimate
Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Ang kauna-unahang global attack sa Mobile Legends, nagpapakawala siya ng isang sinag ng mystic magic na nakaka-damage sa lahat ng kalaban sa isang linya sa mapa, at pagkatapos ay papasok siya sa isang transcedence state. 

Passive – Transcendence 

MLBB Xavier Preview
Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Nakakatulong ang Transcendence na makapag-scale si Xavier sa digmaan. 

Sa tuwing tatama ang kaniyang skill sa isang kalaban, makakakuha siya ng isang passive stack na makakapagpalakas ng kaniyang mga susunod na abilities. Sa max stacks, mapupunta siya sa isang Transcendence state sa kaniyang susunod na skill cast, kung saan lahat ng kaniyang mga abilities ay lalakas sa maximum. 

Lalabas siya sa laro sa March 22, 2022. Tignan ang kaniyang full hero spotlight dito: 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, updates, at gabay tungkol sa Mobile Legends: Bang Bang.