Kung ikaw ay isang Yi Sun-shin main na mahiligsa sci-fi, magugustuhan mo ‘to!

Inanunsyo ng Mobile Legends: Bang Bang na ang Starlight skin sa susunod na buwan ay ang Azure Sentry Yi-Sun-shin, ang papalit sa Rainy Walk Kagura ng April.

Magandang alternative ang Azure Sentry kung hindi mo nakuha ang kanyang Lone Destructor collector skin. Sa skin na ‘to, makikita si Yi Sun-shin na may suot na futuristic blue armor na may high-tech monocle at upgraded na robotic bow and arrow na talaga namang napakaangas tignan.

Binago rin ang itsura ng kanyang turtle ship na ngayon ay isa nang high-tech glider na may thrusters.

Para sa kanyang abilities, may blue streaks na makikita sa kanyang blade pag gumamit ka ng Traceless at sa melee form ng Blood Floods.

Para sa charged version ng Blood Floods, tumitira sya ng isang malakas na blue arrow na tila laser.

Ang kanyang ultimate na Mountain Shocker na yata ang may pinakamatinding visual upgrade sa lahat. Imbis na karaniwang cannon attacks, tinatawag ni Yi Sun-shin ang kanyang naval fleet para magpaulan ng laser beams na sumasabog pag bagsak sa lupa.

Magiging available ang Azure Sentry Yi Sun-shin sa May 1.