Sobrang bihira makita si Aldous sa pro scene ng Mobile Legends: Bang Bang noon. Kahit na isa siya sa pinakamalakas na fighter sa late game, ‘di akma sa mga nakaraang meta ang Soul Contractor.

Pero nagbago ang lahat nang pasikatin ito ni Blacklist International jungler Danerie James “Wise” Del Rosario sa MPL Philippines Season 7.

Ngayon, bumida si Aldous sa group stage ng ONE Esports MPL Invitational 2021 (MPLI 2021). Pero bakit nga ba swak siya sa kasalukuyang meta ng MPLI?

Wise image credit: Tammy David/Evident

Paano nagpamangha si Aldous sa MPLI 2021 group stage

Isa si Aldous sa mga matatagumpay na hero sa MPLI 2021 group stage. Mayroon siyang nakakamanghang win rate na 83.33% at ika-12 sa most picked hero sa torneo.

Sa anim na beses na pinili siya, si Schevenko David “Skylar” Tendean ng RRQ Hoshi ang nagpakita ng pinakamagandang performance gamit ang Soul Contractor.

Nagpamalas ng MVP performance si Skylar gamit ang Aldous at nakakuha pa nga ng maniac para mapatalsik ang MPL Indonesia “El Clasico” rival nito na EVOS Legends.


Bakit nga ba top-tier pick si Aldous sa MPLI at sa kasalukuyang meta?

Top-tier pick si Aldous sa MPLI 2021 ngayon.
Credit: Moonton

Pumatok ang jungling fighter meta sa paglabas ng Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.18 kung saan maraming marksman ang pinalakas at ginawang viable ulit sa Land of Dawn.

Dahil dito, lalong sumikat si Aldous dahil siya ang kahinaan ng mga malalambot na hero tulad ng mga marksman.

Dagdag pa rito, swak si Aldous sa namamayagpag na UBE strategy na pinasikat ng Blacklist International.

Bagamat kulang siya sa movement speed at medyo hirap sa pag-survive sa mga team fight lalo na kapag cooldown ang kanyang Contract: Explosion at Contract: Chase Fate ultimate, pwede siyang matulungan ng mga support hero tulad nila Estes o Rafaela sa mga aspetong ito.

Kaya naman hindi nakakagulat na top-tier pick si Aldous sa MPLI 2021.

Mapapanood ang opisyal na Filipino broadcast ng torneo sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.