Papalapit na ang ONE Esports MPL Invitational 2021 (MPLI 2021) at hindi na makapaghintay ang fans kung sino nga ba ang pinakamalakas na Mobile Legends: Bang Bang team sa buong Southeast Asia.

20 koponan mula sa Philippines, Malaysia, Indonesia, Singapore, at Cambodia ang magsasalpukan sa Land of Dawn simula sa ikalawa ng Nobyembre.

Narito ang mga detalyeng kailangan mong malaman para masubaybayan ang bakbakan.


Schedule ng MPLI 2021

MPLI 2021 schedule

Ila-livestream ang captain’s draft sa ika-31 ng Oktubre, sa ganap na ikapito ng gabi (GMT+8).

Nakatakda namang iraos ang group stage simula sa ikalawa hanggang sa ika-apat ng Nobyembre, habang ang quarterfinals naman ay mangyayari sa ikalima ng parehong buwan.

Ang grand final ay gaganapin sa ikapito ng Nobyembre.

Nobyembre 2 (Day 1) – Group stage

TEAMSCORETEAM
Orange Esports1-2Alter Ego
ECHO2-1Aura Fire
EVOS Legends0-2RRQ Hoshi
Bigetron Alpha2-0Geek Fam

Nobyembre 3 (Day 2) – Group stage

TEAMSCORETEAM
See You Soon2-1Todak
RSG SG0-2RSG PH
ONIC PH2-0Smart Omega
Rebellion Genflix2-0Nexplay EVOS

Nobyembre 4 (Day 3) – Group stage

TEAMSCORETEAM
RSG PH2-1Echo
Rebellion Genflix0-2Alter Ego
RRQ Hoshi2-0ONIC PH
See You Soon0-2Bigetron Alpha

Nobyembre 5 (Day 4) – Quarterfinal

TEAMSCORETEAM
Team SMG0-2RRQ Hoshi
EVOS SG0-2Alter Ego
Blacklist International2-0Bigetron Alpha
ONIC ID2-1RSG PH

Nobyembre 7 (Day 5) – Grandfinal

TEAMSCORETEAM
Blacklist International2-1RRQ Hoshi
ONIC ID2-0Alter Ego
Blacklist International1-3ONIC ID

Format at prize pool ng MPLI 2021

Nabigyan ng bye ang Blacklist International, EVOS SG, ONIC Esports, at Team SMG sa quarterfinals, sa magkakaibang brackets.

Matutukoy sa captain’s draw ang mga koponang pupuno sa bawat bracket. Mamimili ang mga MPL champion kung aling mga koponan ang gusto nila makaharap sa paglagay sa mga ito sa kanilang bracket.

Ang lahat ng matches ay lalaruin sa best-of-three format, puwera sa grand final na best-of-five.

Iuuwi ng hihiranging kampeon ang pinakamalaking bahagi ng US$100,000 na prize pool.

Ang mga kalahok na teams sa MPLI 2021

Blacklist International
Credit: Moonton

Narito ang 20 koponang sasali mula sa bawat MPL region.

TEAMREGION
SeeYouSoonMPL KH Season 1
Blacklist InternationalMPL PH Season 8
ONIC PHMPL PH Season 8
ECHOMPL PH Season 8
Nexplay EVOSMPL PH Season 8
Smart OmegaMPL PH Season 8
RSG PHMPL PH Season 8
Alter EgoMPL ID Season 8
Aura FireMPL ID Season 8
Bigetron AlphaMPL ID Season 8
EVOS LegendsMPL ID Season 8
Geek Fam IDMPL ID Season 8
Rebellion GenflixMPL ID Season 8
RRQ HoshiMPL ID Season 8
ONIC EsportsMPL ID Season 8
EVOS SGMPL SG Season 2
RSG SGMPL SG Season 2
Orange EsportsMPL MY Season 8
TODAKMPL MY Season 8
Team SMGMPL MY Season 8

Saan mapapanood ang MPLI 2021?

Mapapanood ang captain’s draft at buong MPLI 2021 sa mga opisyal na platform ng ONE Esports.

BASAHIN: Higit 50,000 MLBB Diamonds ang ipamimigay sa ONE Esports MPLI Fantasy Challenge