Inilabas na ng Moonton ang inaabangang Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.18 nitong Martes ng hapon.

Dala ng pinakabagong patch update ang apat na revamped heroes na parte ng Project NEXT 2021, bagong hero na si Floryn, buffs at nerfs sa ilang hero, battlefield adjustments, bagong skins, mga pagbabago sa interface, at marami pang iba.


4 revamped heroes sa Mobile Legends patch 1.6.18

Credit: Moonton

Sa Mobile Legends patch 1.6.18, binigyan ng mas magandang itsura sina Lancelot, Odette, Hayabusa, at Kagura. Maging ang mga skin nila ay inayos din para umakma sa pinaganda nilang itsura.

Hindi lang ‘yan, pinalakas din ang ilan sa mga skill nila at naglagay ng ilang pagbabago sa kanilang skill animations tulad na lamang ng leap mechanic sa Swan Song ultimate ni Odette.


Ang bagong hero na si Floryn

Credit: Moonton

Kasama rin sa patch ang pinakabagong hero sa Land of Dawn na si Floryn. Kung susuriin, masasabing isa siyang mabisang support dahil sa healing, movement speed at HP increase effects ng kanyang abilities. Ang ultimate nga niya na Bloom ay may global healing sa lahat ng kakampi at may damage pa sa malalapit na kalaban.

Maaaring makuha nang libre si Floryn sa Miyerkules (September 22) gamit ang Floryn Exchange Token.


Marksman meta sa Mobile Legends patch 1.6.18?

Credit: Moonton

Karamihan sa mga marksman ay nakatanggap ng buff pagdating sa kanilang range at meron din na lumakas kontra sa mga jungle creep tulad nila Granger at Wanwan.

Marami ang naging adjustment sa mga marksman at maaaring sumentro sa kanila ang susunod na meta ngunit masyado pang maaga para masiguro ito. Kaya naman kaabang-abang ang magiging epekto ng bagong patch sa ranked games at competitive play.

Buffed/Pinalakas

  • Argus
  • Aulus
  • Moskov
  • Irithel
  • Popol and Kupa
  • Natan
  • Kimmy
  • Hanabi
  • Brody
  • Wanwan
  • Karrie
  • Clint
  • Bruno
  • Granger
  • Fanny

Nerfed/Pinahina

  • Phoveus
  • Mathilda
  • Paquito

Adjusted/May binago

  • Yve
  • Claude
  • Yi Sun-Shin
  • Yu Zhong
  • Chou
  • Tigreal
  • Saber

Battlefield adjustments sa Mobile Legends patch 1.6.18

Credit: Moonton

Nagkaroon din ng battlefield adjustments sa bagong patch kung saan may ilang pagbabago sa turret, creeps at minions.

Pinataas ang attact at protection range ng mga tore at pinahina ang damage ng ranged attacks sa outer turret na may energy shield.

Binawasan ang physical attack ng Orange Buff, Purple Buff at Rockursa ngunit pinataas naman ang HP ng common creeps. Maging ang Lord at Turtle ay nakatanggap ng bahagyang pagtaas ng HP. Sa mga pagbabago sa minions, pinaka-kapansin-pansin ang addtional 10% gold reward na nakukuha sa special siege minions sa Gold Lane.

Inayos din ang assist system kung saan ang attribute effects tulad ng Encourage (roaming skill) at passive effects ng Dominance Ice ay nabibilang na rin bilang assist.

Isa pang kapansin-pansin ang pagbabago sa Regen na hindi na naka-cancel ng atake mula sa minions at creeps.


Bagong skins

Credit: Moonton
  • Miya – Moon Priestess (libreng makukuha sa pamamagitan ng 5th Anniversary events)
  • Paquito – Underground Boxer
  • Ruby – Pirate Parrot
  • Valir – Infernal Blaze
  • Alpha – Sea Gladiator (revamped)
  • Rafaela – Biomedic (revamped)

Maaari rin makuha nang libre ang Abyssal Repear skin ni Thamuz.


Pagbabago sa interface

Credit: Moonton

Mas swabe na ngayon ang user interface (UI) ng laro kumpara sa mga nakaraang bersyon nito salamat sa Mobile Legends patch 1.6.18.

Naglagay ang Moonton ng Day and Night system na nakabase sa timezone ng player. May update din sa interface kapag papasok sa isang match pati sa background music na meron nang pagpipilian.


Pwede niyong mabasa ang kabuuan ng Mobile Legends patch 1.6.18 sa Mail (Important Notice) ng mismong laro. I-follow ang opisyal na Facebook page ng Mobile Legends: Bang Bang para sa mga update.