In-update ngayong Disyembre 11, 12 p.m. (GMT+8): Nagdagdag ng mga kaugnay na guide.

Si Yu Zhong ang isa sa pinakakinakatakutang fighter hero sa Mobile Legends: Bang Bang.

Mayroon siya ng lahat ng abilidad na pwede mong hilingin mula sa isang EXP laner. Ang kanyang passive na Cursing Touch ay nagbibigay ng malaking lifesteal, habang epektibo itong naa-activate ng kanyang Dragon Tail at Soul Grip na parehong may disenteng damage.

Ang kanyang Furious Drive at ultimate na Black Dragon Form naman ay mainam na gap-closer at crowd control. Dagdag pa rito, ang kanyang ulti ang isa sa pinakamagandang initiation skill sa Land of Dawn at nakaka-enhance din ito ng kanyang skills.

Kapag nakita mo siya sa kalabang koponan, ikonsidera mong i-pick ang isa sa mga malalakas na counters na ito.

IBA PANG MLBB GUIDES
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Floryn sa Mobile Legends
Pambihira ang kaya mong gawin gamit ang 3 advanced Yu Zhong combos na ito
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban sa Mobile Legends
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB
Abilities ni Ixia sa Mobile Legends: Magpakawala ng matinding damage nang hindi gumagalaw!

Paamuhin si Yu Zhong sa pamamagitan ng 3 Mobile Legends heroes na ito

Wanwan

Credit: Moonton

Si Wanwan ang posibleng pinakamainam na marksman na pangontra kay Yu Zhong. Gamit ang malikot na hero na ‘to, madali mong maiiwasan o habulin ang dragon kung mayroon kang sapat na attack speed, salamat sa kanyang Tiger Pace passive.

Pwede mong tanggalin ang airborne at knock back effects mula sa Furious Drive at Black Dragon Form sa pamamagitan ng pag-cast ng Needles in the Flowers. Samantalam ang Swallow’s Path ay mahusay na skill para i-immobilize siya habang nasa Dragonoid Form.

Para bawasan ang kanyang lifesteal, bumili ng Sea Halberd, na isang viable offensive item kay Wanwan dahil nagbibigay ito ng attack speed.

Hayabusa

Credit: Moonton

Halos pareho kay Wanwan, isang magaslaw na hero rin si Hayabusa na nagdadala ng panganib kay Yu Zhong.

Gamit ang naturang assasin, kaya mong takbuhan si Yu Zhong at i-dodge ang kanyang skills gamit ang Ninjutsu: Quad Shadow. I-poke mo siya ng Ninjutsu: Phantom Shuriken nang paulit-ulit bago siya patumbahin gamit ang Ougi: Shadow Kill.

Pwede mo ring gamitin ang Shadow Kill para atakehin siya habang invulnerable sa kanyang dragon form. Alalahaning kumuha ng Sea Halberd kung kulang sa anti-lifesteal ang iyong koponan.

Baxia

Credit: Moonton

Ang ultimate anti-healing hero, kaya ni Baxia na ipawalang-bisa ang lifesteal ability ni Yu Zhong dulot ng kanyang Baxia Mark passive.

Pagkagamit na pagkagamit niya ng Black Dragon Form, i-activate ang Tortoise’s Puissance ultimate at sundan siya. Gamitin mo ang Baxia-Shield Unity and Shield of Spirit para habulin at pabagalin siya kapag sinubukan niyang tumakas o lapitan ang iyong mga kakampi.

Swak din kay Baxia ang Dominance Ice, na isang solidong anti-regen defensive item na nag-i-stack sa kanyang passive. Kaya laging tandaan na bilhin ang core item na ito.

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Items para kay Novaria na dapat mong bilhin sa Mobile Legends