Pagkatapos ng ilang buwang paghihintay sa mga di mabilang na pagpapalit ng art style, sa wakas ay na-release na rin ng Mobile Legends: Bang Bang ang teaser para sa Ba-tender Baxia, isang kakaibang skin na siguradong aagaw ng pansin sa Land of Dawn.

Sa trailer, makikita ang balbas-saradong Baxia na naka-suit at bowtie, na dahilan kung bakit ito ang pinaka-classy na skin sa game. Subalit ang talagang pinag-uusapan ng mga tao ay ang kanyang dalawang shields na napalitan ng… giant dartboards?

Ano ang mga enhanced animations ng Ba-tender Baxia?

Unang-una, nagiging isang malaking umiikot na dartboard sya sa Baxia-Shield Unity. Dartboards din ang ibinabato nya pag nag-cast sya ng Shield of Spirits.

At panghuli, ang kanyang ultimate na Tortoise’s Puissance ay nag-iiwan ng asul na bakas ng lava na tuloy-tuloy sa pag-deal ng damage.

Sulit ba ang Ba-tender Baxia?

Parami ng parami ang gumagamit ng Baxia dahil sa pagsikat ng mga utility supports sa meta, dahli ang kanyang passive, Baxia Mark, ay bumabawas ng regeneration effects ng mga kalaban na inaatake nya.

At dahil dito, magandang desisyon na bilhin ang skin dahil madalas mong gagamitin si Baxia sa rank games. At gagamitin mo na rin lang si Baxia, bakit hindi ka gumamit ng Ba-tender Baxia at talunin ang mga nakakainis na kalaban ng may style?

At ito pa, nakasuot sya ng suit at bowtie sa battlefield. Sobrang astig nun!

Abangan ang pagdating ni Ba-tender Baxia sa Land of Dawn.