Matagumpay na nakuha ng ECHO ang series laban sa Nexplay EVOS sa huling araw ng ikapitong linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11).

Sa series na ito ay ipinakita ni Sanford “Sanford” Vinuya kung gaano katikas si Lapu-Lapu sa EXP lane, isa sa mga naging susi ng ECHO upang maipanalo ang mga Turtle at Lord fights.

Lapu-Lapu build ni ECHO Sanford

Credit: Moonton

Matapos ipanalo ang series laban sa NXPE sa score na 2-1, nakapanayam ng ONE Esports si Sanford, kung saan ibinahagi niya ang kanyang build para sa isa sa mga pinakamalakas na heroes sa EXP lane sa kasalukuyang meta.

  • Bloodlust Axe
  • Tough Boots
  • Dominance Ice
  • Hunter Strike
  • Athena’s Shield
  • Immortality

Ayon kay Sanford, ginagamit niya ang Fighter emblem na may Bravery para sa karagdagang physical attack, Persistence para sa dagdag na HP, at Festival of Blood bilang talent.

ECHO Sanford gumamit ng Lapu-Lapu kontra NXPE
Credit: MPL PH

Bukod sa kanyang Lapu-Lapu build ay nagbigay din ng ilang tips ang ECHO EXP laner upang maging mas epektibo ang paggamit sa Courageous Blade.

“Laging targetin yung backline,” sabi niya. “Tsaka lagi kang mag-countergo.”

Pagdating naman sa Turtle at Lord fights, payo ni Sanford na puntiryahin ang jungler ng kalabang team upang matulungan ang team na makuha ang objective.

“Sa Turtle, huwag niyong pakakawalan yung core ng kalaban hanggang sa mapatay niyo.”

Kasalukuyang nasa ikalawang pwesto sa standings ang ECHO na may 24 points. Para sa huling linggo ng regular season ay makakaharap nila ang Smart Omega at RSG Slate Philippines.

Mapapanood ang opisyal na Filipino broadcast ng MPL PH S11 sa mga sumusunod na channels at pages:

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook