Walang duda na isa ang X.Borg sa pinaka-nakakailang na makatapat sa ranked games ngayon dala ng mga buffs na ibinigay sa kaniya sa inilibas na Mobile Legends: Bang Bang patch 1.5.88.

Bukod sa mas pina-kati ang kaniyang first skill na Fire Missiles at ultimate na Last Isanity, pamatay din ang kombinasyon ng Firaga Armor sa bagong item na War Axe. Kaya naman hindi nakakagulat kung bakit nakasentro ang composition ng mga squads sa hero na ito.

Hindi rin kataka-taka kung bakit pangalawa sa pinakamataaas na win rate ang X.Borg na nagtala ng 56.07%, at pangatlo naman sa most banned na hero ayon sa pinakahuling MLBB stats.

Screenshot ni Calvin Trilles/ONEEsports PH

Pero may pagkakataong nakakalusot ang X.Borg sa lineup ng kalaban. Paano ba ang diskarte sa ganitong sitwasyon?


1. I-deny ang utility supports

Kakaiba ang kargada ng X.Borg sa simula ng laro dahil early game ang kaniyang power spike. Dahil sa true damage na dala ng Fire Missiles, mabilis din ang kaniyang wave clear at jungling kaya naman mataas ang tiyansa niyang mag-snowball.

Pero ibang klaseng umay ang dadalhin ng Firaga Armor kapag may utility supports na palaging nakabuntot sa kaniya dahil sa karagdagang sustain at movement speed buffs.

Credit: Moonton

Kaya naman pinakasimpleng gawin ay i-deny ang mga support heroes na ito para maiwasang mabalagbag. Kritikal na makuha o di kaya naman ay ma-ban ang mga utility heroes tulad ng Angela at Rafaela para mapadali ang X.Borg counter.

Credit: Moonton

Bukod sa mababawasan ang tiyansang makapag-snowball, mas malaki din ang posibilidad na makaiwas sa agresibong engagements na siguradong papabor sa X.Borg composition.


2. Huwag sabayan ang early game ng X.Borg composition

Malinaw na early game ang kalamangan ng kupunan na may X.Borg lalo na kung ang hero ay nasa jungler position. Importanteng maintindihan ito ng lahat ng miyembro ng squad kung gusto niyong tumaas ang tiyansang manalo.

Panoorin kung gaano kalakas mambalagbag ang X.Borg sa video na ito mula sa dating pro na si Pein.

Tipikal na agresibo talaga ang mga lineup kasama ang Firaga Armor. Karamihan sa mga kupunang ito ang nagtatangkang mag-invade pa nga sa mga buffs ng inyong jungler at karaniwang reaksyon ng mga miyembro ang rumesponde.

Taliwas ang dapat gawin ng team bilang sagot sa agresyon na ito. Mas mainam na kumuha ang team ng ibang objectives sa ibang lane at ipagpatuloy ang pag-fafarm.

Sa ganitong paraan, hindi masasamantala ng kalaban ang kalamangan nila sa mga early game engkwentro, habang patuloy ang farm ng late game heroes para makuha ang importante nilang items.

Indahin ang early, bugbugin ang kalaban sa late game. Iyan ang diskarte para makumpleto ang X.Borg counter.


3. Mabisa ang scaling, mobile heroes bilang X.Borg counter

Credit: Moonton

Karugtong ng pangalawang ideya sa listahan na ito, mainam na pumili ng heroes na kayang mag-scale at may abilities na pang-iwas sa mga early team fights.

Ang mga late game marksman heroes tulad ng Claude, Wanwan at kahit pa Lesley ay mabisa bilang X.Borg counter dahil kaya nilang ibawi ang squad niyo sa late game. Bukod dito, may mobility rin ang marksmen na ito na malaking bagay para maligtas sila sa mga agresibong pakawala.

Maaari ding maging opsyon ang mga scaling mages tulad ng Harith at Lunox para sa kinakailangang late game damage output.

Credit: Moonton

Maganda ang marskmen at mages na ito dahil pahirap sa kahit sinumang susubok pitasin ang X.Borg ang passive niya na Firaga Armor. Kritikal na makakuha ang iyong squad ng mga heroes na ito na may kapabilidad na kumurot ng paulit-ulit sa armor para sa posibleng kill.


Subukan ang mga X.borg counter ideas na ito! Siguraduhin ding i-follow ang Facebook page ng ONEEsports Philippines para sa mga ganitong uri ng guides.