Bagamat mayroong 210 milyon na resulta ang “Bleach cleaner” sa Google, ang “Bleach anime” at “Bleach manga” ay mayroong pinagsamang 300 milyon na hits.

Bakit nga ba ganito ang pangalan ng serye na ito?

Anime Bleach Ichigo funko
Credit: Funko
 
ADD TO CART: Funko Pop Bleach Ichigo Kurosaki Bankai Tensa Zangetsu Vinyl Figure (AAA Anime Exclusive) 


Bakit ito tinawag na ‘Bleach’  

Ang mga shonen anime, lalo na ang mga malalaki na, ay kilala sa kanilang mga simpleng titulo. Kaya naman hindi na nakapagtataka bakit simple ang mga titulo ng One Piece, Naruto, Dragon Ball, at Demon Slayer.

Ang unang draft ng serye ni Tite Kubo ay walang pinagkaiba. Unang tinawag na “Snipe,” ang serye ay dapat maging tungkol sa mga Soul Reapers na naka-kimono na may hawak na baril.

Anime Bleach Manga Volume 1
Credit: VIZ Media LLC
 
ADD TO CART: Bleach, Vol. 1 

Si Kuchiki Rukia, isa sa pinaka-unang characters na nabuo, ay gagamit ng scythe. Ang mga elemento ng kaniyang orihinal na disensyo ay hinalo sa pelikulang Fade to Black.

Anime Bleach
Credit: KLab

Kaya noong iniba ni Kubo ang kaniyang ideya tungkol sa baril, kinailangan ibahin na rin ang titulo.

Sinubukan naman ng author na gawing “Black” ang pangalan ng serye dahil sa itim na damit ng mga Soul Reapers. Para kay Kubo, na nagbibigay importansya sa visuals, may ibig sabihin naman ito.

Ngunit para sa kaniya masyadong generic ang “Black” kaya sinubukan niya ang “White.” Kaya napunta ito sa “Bleach” — ang pangkaraniwang kemikal na nauugnay sa kulay white dahil sa kaniyang kakayahan magtanggal ng kulay sa mga damit.

Anime Bleach Manga Volume 1
Credit: VIZ Media, Shonen Jump

Kalaunan sa manga, papangalanan ni Kubo ang isa sa mga chapters na “Bleach My Soul” — chapter 423, ang chapter kung saan nakulong si Aizen at nawalan ng powers si Ichigo matapos ang kanilang epic battle sa konklusyon ng Arrancar saga.

Anime Bleach Ichigo T-Shirt
Credit: Ripple Junction
 
ADD TO CART: Bleach Ichigo Transform T-Shirt 

Mula sa lohikang ito, maaring ibig sabihin din ng titulo ay “removal” o pagtanggal, dahil sa tungkulin ng mga Soul Reaper na linisin ang Hollows at magdala ng Pulses sa Soul Society para linisin ang Human World.

Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga storya tungkol sa paborito mong anime.

BASAHIN: Subukan ang 3 must-play One Piece games na ito para sa bawat mugiwara