Ang epic adventure ng Diablo 4 ay malapit nang dumating habang naghahanda ang mga players na muling lumusong sa magulong Sanctuary.

Ang ika-apat na bahagi ng sikat na may sa demonyong franchise ay nakatakdang ilabas ngayong tag-init na may kakaibang uring game kumpara sa mga nauna nito, ngunit patuloy na nagbibigay ng parehong madilim na Diablo feel.

Sa isang open-world at mas static na environment sa labas ng mga dungeons, ito ay isang bagong venture para sa title, ngunit ito’y malugod na tinatanggap matapos ang mga beta.


Ilalabas ang Diablo 4 sa June 6, ngunit may early access date

Diablo 4 character screen
Credit: Activision Blizzard

Kailan lalabas ang Diablo 4?

Ang susunod na installment ay nakatakdang ilabas sa buong mundo sa June 6. Gayunpaman, ang mga nag-pre-purchase ng Deluxe o Ultimate editions ay makakapasok pa nang mas maaga.

Narito ang mga opisyal na oras ng paglalabas batay sa kung nabili mo na ang laro o hindi pa.

  • Diablo 4 early access (Deluxe/Ultimate pre-orders): Thursday, June 1 at 4 p.m. PDT / June 2 at 12 a.m. BST / June 2 at 8 a.m. KST.
  • Diablo 4 official launch: June 5 at 4 p.m. PDT / June 6 at 12 a.m. BST / June 6 at 8 am KST.

Official Diablo 4 trailers

Kung gusto mong sumisilip sa magiging kuwento, kamakailan lamang ay inilabas ang  official story launch trailer ng kuwento at maaari itong mapanood sa ibaba.



Pagdating sa gameplay, maraming makikita sa iba’t ibang mga trailer ng gameplay. Muling makikita ang necromancer, barbarian, sorcerer, druid, at rogue na lumalaban sa mga kaaway mula sa impiyerno.

Maaari mong mahanap ang mas marami pang mga gameplay, kuwento, at mga feature breakdowns sa opisyal na channel ng Diablo sa Youtube.



Ano ang level cap sa Diablo 4?

Matapos ang tatlong magkakahiwalay na mga weekends, gustong-gusto na ng mga fans na makabalik sa game at maabot na ang level 25 na level cap mula sa beta.

Ang opisyal na level cap sa paglalabas ay magiging mas mataas sa 100. Ang susunod 50 levels ay magiging available sa pamamagitan ng paragon board.

Ayon sa Diablo 4 director na si Joe Shely, “When you finish the campaign, you might be level 45 or something. Your character level goes up to a hundred through Paragon points. And you get access to whispers, you get access to Nightmare dungeons, other endgame activities that we’re still working on.”

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.