Nag-partner ang North American esports organization na Evil Geniuses at English football club na Wolverhampton Wanderers.
Ang nasabing kasunduan ay nagkakahalagang US$250 million, kung saan ang parent company ng naturang football club na Fosun Sports Group ay mag-i-invest sa EG.
Ang partnership ng EG at Wolverhampton Wanderers

Inaasahan na mapapalawig ng collaboration ang reach ng EG sa Asian market. Sila rin ang unang esports organization na may physical presence sa tatlong malalaking rehiyon—North America, Europe, at Asia-Pacific.
Tatatakan ng Wolverhampton Wanderers logo, isang minimalist design na may itim na wolf sa dilaw na background, ang esports jerseys ng EG.
Bukod sa mga content na ilalabas sa English at Chinese na lenggwahe, magpo-produce din ang partnership ng sponsorship opportunities at jointly-branded na merchandise.
“This deal will also provide new capital to sign more world-class players and grow into new esports titles,” sabi ng Chief Executive Officer ng Evil Geniuses na si Nicole LaPointe Jameson.
Kilalanin ang Wolverhampton Wanderers

Isa ang Wolves sa pinakamatanda at pinakatanyag na football teams sa England. Nakabase sila sa Wolverhampton City na matatagpuan sa West Midlands.
May 17 major trophies na ang Wolves sa kasaysayan, pati na 11 league titles, apat na FA Cups, at dalawang League Cups. Ilan sa mga kilala nilang manlalaro ay sina Billy Wright at Steve Bull.
Nakuha ang football club ng Chinese consumer technology company na Fosun International noong 2016.