Isa sa mga mahahalagang bahagi ng gaming industry ang esports, kung kaya’t binigyan ito ng puwang at parangal sa katatapos lang na The Game Awards 2021.
Narito ang mga nagwagi sa larangan ng esports sa The Game Awards 2021.
Best Esports Player – s1mple

Pinarangalan bilang Best Esports Player si Oleksandr “s1mple” Kostyliev dahil sa kanyang nakakabilib na karera para sa taong ito, kabilang na dito ang pagdala ng tagumpay sa Na’Vi sa CS:GO Stockholm Major bukod pa sa pagiging MVP niya.
Best Esports Team – Natus Vincere

At ano pa nga ba ang dapat tanghalin na best Esports Team kundi ang team na kinabibilangan ng Best Esports Player. Nangibabaw ang pangalan ng Na’Vi sa hanay ng mga esports team para sa taong ito. Marami silang napatunayan at nagawa, kabilang dito ang kanilang panalo sa PGL Stockholm Major at BLAST Premier Fall Final.
Best Esports Coach – kkOma

Si Kim “kkOma” Jeong-gyun ng DWG KIA ang tinanghal na Best Esports Coach dahil sa katangi-tanging performance ng kanyang team para sa taong ito, kabilang na ang kanilang second place finish sa League of Legends Worlds 2021. Tinalo nya ang maraming nominees tulad ni Airat “Silent” Gaziev ng Team Spirit na kampeon ng The International.
Best Esports Game – League of Legends

Ito ang ikatlong beses na pinangalanang Best Esports Game ang League of Legends, nangibabaw ito laban sa ibang esports titles tulda ng CS:GO, Dota 2, at Valorant. Dahil dito, ang Worlds 2021 din ang nagwagi ng Best Esports Event sa ikaapat na taon, ang tanging event series na nanalo sa Game Awards.