Ang aktres at modelong si Megan Fox at ang producer at performer na si DJ Khaled ay lalabanan ang isa’t isa sa ngalan ng Fortnite.
Ang dalawang American personalities ay maghaharap sa LG OLED Ultimate Gaming Showdown sa larong Fortnite sa loob ng isa’t kalahating oras.
Sina Megan Fox at DJ Khaled ay tutulungan at tuturuan ng professional esports organization na Evil Geniuses. Si Megan Fox ay iko-coach ng streamer na si Justin “FearItSelf” Kats habang si DJ Khaled naman ay sasamahan ng EG Counter-Strike coach na si Wilton “Zews” Prado.

Ang laban ay mapapanood ng live sa Twitch channel ng Evil Geniuses sa May 13, 8:00 a.m GMT+8.
“This time I’m playing against DJ Khaled,” sabi ni Megan Fox. “And I’m gonna crush him.”
Gamer si Megan Fox

Ang di alam ng marami, maraming taon ang ginugol ni Megan Fox sa paglalaro ng video games. Sya rin ang mukha ng ilan sa ating paboritong titles, tulad ng MMORPG na Black Desert.
Ang boyfriend ni Fox, ang rapper at musician na si Machine Gun Kelly, ay bumili kamakailan ng isang gaming console para makapaglaro sila. Isa sa mga una nilang nilaro ay ang fighting game na Mortal Kombat 11 Ultimate.
“We got the latest Mortal Kombat, we downloaded it, and I crushed him,” sabi ni Fox sa kanyang interview sa People. “Like, destroyed him every time we fought. We did, like, 40 something matches, and I absolutely destroyed him every time.”
May sariling video game si DJ Khaled

Bukod sa mga epic collaborations kasama sina Justin Bieber, Rihanna, at iba pa, paano mo masasabing successful at sikat ka na? Kapag may sarili ka nang video game!
Ang “Secure the Bag” ni DJ Khaled ay isang retro-style mini-game kung saan ang musician ay makikitang nakikipaglaban sa iba’t ibang timelines. Bahagi ito ng promotion para sa Timberland x DJ Khaled boot collection, na nag-launch noong 2017.