Nagbabalik ang Evolution Championship Series (Evo) sa taon na ito para sa isang online event. At bukod sa Evo 2021 Online, magkakaroon din ng ilang community events para bigyang pansin ang ibang games at para ihanda ang mga players para sa Agosto.
Ang unang series, ang PlayStation Tournaments FGC Arcade: Evo Edition ay magaganap mula June 10 hanggang 22. Dahil nabili ng Sony Interactive Entertainment at RTS ang Evo noong nakaraang taon, sa unang series ay tampok ang mga PlayStation titles tulad ng Mortal Kombat 11, Guilty Gear Strive, Granblue Fantasy: Versus, at Tekken 7
Ang PlayStation Tournaments Evo 2021 Online Warm-Up ay gaganapin mula June 26 hanggang July 13, na magsisilbing preview ng competition para sa mga main event title. Sa July 8 hanggang August 3 naman ay magaganap ang mga Evo 2021 Online side tournaments na kabibilangan ng mas maliliit na communities sa mga games na tulad ng Them’s Fightin’ Herds.

Ang Evo 2021 Online series ay gaganapin sa dalawang weekends, August 6-8 at August 13-15.
Matapos ang isang taon na walang Evo, nakakasabik magkaroon ng mga weekends na puno ng nakakagulat na clutch, nakakabilib na combos, at hindi malilimutang hype moments.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa schedule, registration, at iba pang detalye, magpunta sa opisyal na website ng Evo.