Isa ang Indonesian esports organization na EVOS Esports sa pinakamalalaking pangalan sa Southeast Asia na nagbabandera ng mga top teams sa iba’t-ibang esports titles.

Ang MPL ID team nitong EVOS Legends ang unang kampyon sa Mobile Legends: Bang Bang M1 Championship, habang ang Thai Free Fire team nitong Phoenix Force ang nagwagi sa Free Fire World Series 2021 Singapore

Kahit pa malakas na ang presensya ng organisasyon sa mundo ng esports, sinisilip ngayon ng grupo na makapuwesto sa mundo ng basketball.


Nais ng EVOS Esports na magsalang ng kupunan sa Indonesian basketball eksena

Nakita ng EVOS ang oportunidad na makatulong sa pagpapayabong ng Indonesian sports at talent development kaya naman hindi rin sorpresa ang pagsisikap ng organisasyon na magkaroon ng kupunan sa Indonesian Basketball League.

“We want to provide a platform for young basketball players in Indonesia,” ani ng EVOS Esports co-founder na si Hartman Harris. “If there are more IBL teams, then all of those talents can be absorbed.”

Pinuri din ni Harris ang presensya ng IBL sa kabila ng matinding dulot ng pandemya. Sa ngayon ay umaarangkada ang IBL Pertamax 2021.

“I have great respect for its management with the very difficult situation and conditions. The IBL gives 100 percent to the fans,” banggit ni Hartman.

Kaagapay ang champion mindset at fighting spirit ng organisasyon, siguradong mas magiging kapana-panabik ang IBL kung mayroong babanderang White Tigers dito.

BASAHIN: Sino nga ba ang paboritong MPL PH player ni Zeys?