Nakakalahati na tayo sa AWC 2021 Group Stage, ngunit painit lamang ng painit ang mga sagupaan sa international na torneyo na ito ng Arena of Valor.
Nagbahagi ang support player ng Team Flash (FL) na si FL Proe ng kaniyang mga komento tungkol sa katatapos lamang na pangalawang sultada kontra sa Dewa United Esports (DEW) sa Group Stage Day 5.
Inanalyze ni FL ProE ang kanilang mga laban kontra Dewa United Esports

Nasaksihan ng mga AoV fans ang dominanteng pagpapakita ng Dewa United. Esports sa Group Stage Day 3 laban sa Team flash kung saan pinataob ng team galing Indonesia ang 2019 defending champions sa score na 2-0. Gayunpaman, pinatunayan ng FL na matamis ang paghihiganti sa rematch noong Day 5 sa score na 2-0 din.
“We played poorly against them during the first time so we lost,” ani ni Trần “ProE” Quang Hiệp. “However, this time around, I was better and avoided any silly mistakes.”
Nakakaintriga din ang dinagdag na analogy ng support player sa karibal nila galing Indonesia.
“When DEW beat us, I thought they were sharks. However, in this match, they are just fish fries,” sabi ni FL ProE.
Kasama nito, ibinahagi din ni FL Pro E na ang turret ban meta ay tatagal pa sa tournament na ito.
Ang performance ng Team Flash sa AWC 2021

Matapos ang pagkatalong natanggap mula sa DEW sa unang paghaharap nila, pinataob nila sa score na 2-0 ang 2020 Arena of Valor International Championship (AIC) winners MAD Team (MAD). Kumpiyansa na ang FL sa puntong iyon na nagdala sa kanila sa second place sa Group A kung saan hinahabol nila ang Buriram United Esports (BRU). Kung maipapagpatuloy nila ang ganitong uri ng performance ay siguradong aangat sila sa Knockout stage.
Sa Day 7, makakaharap ng Team Flash ang MAD Team at Buriram United Esports sa AWC Group Stage.
Subaybayan ang aksyon sa AWC 2021 sa pamamagitan ng panonood sa official Youtube channel ng Garena.