Eto nang hinihintay ng mga Free Fire pinoy players!

Sa wakas ay inilabas na ng Garema ang mga detalye para sa Free Fire Philippines Open (FFPO), ang kauna-unahang PH-exclusive tournament ng mobile battle royale.

Layunin ng Garena na gamitin ang online-only tournament na ito para tawagin ang pansin ng Philippine gaming community sa mga esports opportunity ng Free Fire.

Detalye sa Free Fire Philippines Open

Ang Free Fire Philippines Open ay gaganapin mula July 20 hanggang August 1, tampok ang tatlong stages na pagdaraanan ng mga players.

Tournament format at prize pool

FreeFire Philippines Open TournamentFlow
Credit: Garena
  1. Qualifiers (July 5-9)
  2. League Stage (July 20-25)
  3. Grand Finals (August 1)

Makakasali sa qualifiers ang libo-libo sa pinakamagagaling na FF squads sa bansa, pero 12 lang sa kanila ang makakapasok sa League Stage.

Ang 12 teams ay hahatiin sa tatlong grupo, kung saan pagsasamahin ang mga qualified at invited teams. Ang bawat grupo ay magkakaroon ng apat na qualifying teams at dalawang invited teams. Ang League Stage ay bubuuin ng 18 teams na maglalaban-laban sa loob ng anim na araw.

Ang top 12 teams ng League Stage ay uusad sa Grand Finals kung saan paglalabanan nila ang PHP1M (US$50,000) prize pool.

Competitive format at point system

Ang lahat ng stages ng FFPO ay susunod sa karaniwang competitive format, kung saan ang pagbibigay ng points sa teams ay ayon sa kanilang round ranking at bilang ng kills.

Ang Bermuda at Kalahari ang mga mapang gagamitin sa qualifiers stage, habang sa Grand Finals ay iasasama ang Purgatory bilang ikatlong mapa sa rotation.

Paano mag-register sa Free Fire Philippines Open

FreeFire Philippines Open graphic
Credit: Garena

Para makasali sa FFPO, kailangan mong maging 12 taong gulang o higit pa sa 2021 at isang Filipino citizen.

Kung kaya ng Free Fire squad mo maging pinakamagaling sa Pilipinas, pwede kayong mag-sign up sa official Free Fire Philippines Open page.

Magbubukas ang registration para sa FFPO sa June 25.

Mapapanood ang official teaser ng Free Fire Philippines Open sa ibaba: