Nagdagdag ang Garena ng dalawang sikat na mandirigma sa kanilang mobile battle royale dahil sa Free Fire Street Fighter collaboration.

Ito ang pangalawang beses na lalabas sina Chun-Li at Ryu sa battle royale genre matapos ang kanialng debut sa Fortnite.

Bilang mga higante sa kani-kanilang mga genre, ang partnership na ito ay bahagi ng plano ng Garena na magbigay ng bagong gaming experience na may world-class brands sa kanilang player base.

“It is a franchise many of us grew up with, playing as its iconic characters like Ryu and Chun-Li,” sabi ng Free Fire producer na si Harold Teo. “Bringing a part of Street Fighter into Free Fire and welcoming Ryu and Chun-Li to Bermuda is something our players will enjoy.”

Ano ang aasahan sa Free Fire Street Fighter collaboration

Itatampok ng Free Fire Street Fighter collaboration sina Chun-Li at Ryu bilang mga playable characters o skin ng mga FF characters.

Sa promotional poster, mukhang konektado sina Chun-Li at Ryu sa highschool sprinter na si Kelly at martial artist na si Kla.

Marami ring exclusive content at experience na dala ang SF duo sa game. Makakaasa ang mga fans ng full interface reskins, bagong activities, at marami pang collectibles.

Ang Free Fire Street Fighter collaboration ay magsisimula sa July 2021.