Nandito na ang pinaka-aabangang collaboration sa pagitan ng Free Fire at world-class F1 racing team na McLaren.

Ang “Ace the Field”, ang opisyal na title ng crossover na ito, ay magbibigay ng makabagong experience sa mga Free Fire players sa pamamagitan ng exclusive content, in-game features, gayundin ang mga offline activations kasama ang McLaren.

Mga items na aasahan sa crossover na ito

Nais ng dalawang brands na magsanib-puwersa ng kani-kanilang fanbases, gayundin ang patuloy pang paglawig ng kanilang mga reach. Kaya naman magiging available sa mga Free Fire players na imaneho ang McLaren P1 sa Bermuda, Kalahari at Purgatory.

Kung gusto mo munang magpractice at i-test drive ang bagung-bago mong McLaren P1, maaari ka mo itong painitin sa Free Fire Training Island na mayroong race track.

Magkakaroon din ng oportunidad na magmukhang racing superstar ang mga Free Fire players sa battleground. Sa ngayon, kinumpirma na ng Garena na magiging available ang driver’s overalls sa mga kulay na papaya at blue color scheme kung saan sikat ang McLaren.

Sa battlefield, may pagkakataon ang mga players na ipamalas ang kanilang McLaren fandom kasama ang Gloowal skins, surfboards, airships at emotes.

Kwento ni Free Fire producer Harold Teo na masaya sila sa ganitong uri ng collab. “We look forward to our players enjoying the best of McLaren in Free Fire.” 

“Collaborations like this allow us to deliver new experiences for current players and interest others to try Free Fire out.”

Saan mo makikita si Lando Norris sa crossover na ito?

Bilang isa ring gamer, ang McLaren F1 driver na si Lando Norris ay magiging kasapi na din ng Free Fire community.

Bagamat wala pang mashadong balita tungkol sa kanyang onboarding, malaking posibilidad na magiging interactive NPC ang sikat na driver sa Ace the Field campaign.

Panoorin ang Free Fire McLaren teaser kasama sina Norris at Daniel Ricciardo: