Kasabay ng pagdiriwang ng 20th anniversary nito, inanunsyo ang opisyal na mobile game ng popular na anime series na Fullmetal Alchemist.

Ang Fullmetal Alchemist mobile game ay dini-develop ng Japanese video game company na Square Enix at nakatakda itong ilabas sa susunod na taon.

Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa Fullmetal Alchemist mobile game kasama na ang release date, trailer at mga karakter na kasali dito.


Release date ng Fullmetal Alchemist mobile game

Fullmetal Alchemist mobile game
Credit: Square Enix

Sa ngayon, ang alam pa lang natin ay ilalabas ang Fullmetal Alchemist mobile game sa summer ng taong 2022 (kalendaryo ng Japan). Nangangahulugan ito na maaaring ilabas ang laro sa bandang Hunyo o Agosto.

Base sa mga naunang screenshot ng laro, ang Fullmetal Alchemist mobile ay isang anime fighting game katulad ng Dragon Ball FighterZ at Demon Slayer.


Mga karakter sa Fullmetal Alchemist mobile game

Fullmetal Alchemist mobile game
Credit: Square Enix

Ang Elric brothers na sila Edward at Alphonse ay siguradong kasama bilang playable characters sa larong ito. Ang iba pang tauhan tulad nila Winry, Roy Mustang, Shou Tucker at Rose Thomas ay lumabas din sa trailer at inaasahan na may gagampanang mahalagang papel sa storyline ng naturang fighting game.


Trailer ng Fullmetal Alchemist mobile game

https://youtu.be/hWtHMyfJGAg

Makikita sa simula ng trailer ng Fullmetal Alchemist mobile game ang pagkain nila Edward at Alphonse sa isang stall sa Amestris. Sinusundan ito ng isang malupit na transmutation action kung saan nilalahad ang gameplay ng nasabing laro. Masasaksihan ang paglaban ng Elric brothers sa isang goon sa ibabaw ng umaandar na tren katulad ng nasa anime.

Dagdag pa rito, pinapakita ng trailer ang napakagandang animation ng laro na talaga namang kaiba sa mga anime game na nasa mobile market ngayon.

Ang free-to-play game na ito ay ire-release sa Summer 2022 sa iOS at Android devices.

Pwedeng bisitahin ng fans ng Fullmetal Alchemist ang opisyal na website ng fighting game para sa mga balita at update.