Ang professional League of Legends player at streamer na si Tim “Nemesis” Lipovšek ay sumabak sa open-world RPG Genshin Impact sa kauna-unahang beses.

Si Emily “Emily Ghoul” Mei, ang kaniyang kapwa Gen.G content creator, ang naggabay sa kaniya sa basics ng laro.

Ikinumpara ni Gen.G Nemesis ang mga characters sa League of Legends at Genshin Impact
Credit: Gen.G Esports

Sa account ni Emily Ghoul, sinaliksik ni Nemesis ang mga Mondstadt at Liyue na rehiyon. Kasama sa account na ito ang mga characters tulad ni KAedehara Kazuha, Kamisato Ayaka, Klee, at Zhongli sa main party.

Hindi napigilang ikumpara ni Nemesis ang mga kampeon ng League of Legends sa mga characters ng Genshin Impact. Ang auto-attack ni Klee, halimbawa, ay isang paghahalo ng Bouncing Bomb ni Ziggs at Noxious Trap ni Teemo, ayon kay Nemesis.

Credit: Genshin Impact

Ang mga spear attacks naman ni Zhongli ay nagpapaalala sa kaniya kay Xin Zhao at Jarvan IV.

Credit: miHoYo

Ginabayan din ni Emily Ghoul si Nemesis sa element system ng laro, ang mga weekly bosses, at healing items.

Ngunit sa huling parte ng video, hindi pa din nakumbinse si Nemesis na seryosohin ang laro, at nakipagtalo pa ito kay Emily Ghoul. Naniniwala ang Gen.Ge content creator na ito na mas hot pa din ang mga kampeon ng League of Legends, at mas maganda ang mga disenyo nila kaysa sa mga characters ng Genshin.

“League characters outmatch any of these characters,” sabi niya. “Akali and Miss Fortune (can easily surpass) all of these.” 

Panoorin ang Genshin Impact VOD nina Emily Ghoul at Gen.G Nemesis dito.

Si Klee ang isa sa pinakasikat na characters sa Genshin
Credit: miHoYo

Nanatiling isa sa pinakasikat na characters si Spark Knight Klee sa larong ito.

Gumagastos ang mga players ng hanggang sa US$890,000 (CN¥5.76M) noong nilabas ang banner ni Klee, ayon sa isang estimated na sales graph ng Chinese platform na Chandashi (para lamang sa mga iOS users sa China).