Handa na ba kayo sa isang musical experience, Travelers?

Inanunsyo na ng miHoYo ang opisyal na detalye tungkol sa kauna-unahang online live concert nito, ang “Genshin Concert 2021 – Melodies of an Endless Journey”. Nakatakdang ipagdiwang ng musical experience na ito ang unang anniversary ng Genshin Impact.

Tampok sa concer ang original soundtrack ng laro, na composed at produced ni Yu-Peng Chen at HOYO-MiX, an in-house music team ng miHoYo.

Paano panoorin ang Genshin Concert 2021 – Melodies of an Endless Journey

Genshin Concert 2021
Credit: miHoYo

Date ng online live concert

Nakatakdang ganapin ang libreng premiere ng concert sa ikatlo ng Oktubre. Maaring sumubaybay sa opisyal na Twitter at YouTube accounts ng Genshin Impact para sa mga opisyal na announcement.

Music performances at program schedule ng online live concert

Genshin Impact
Credit: miHoYo

Tampok sa Genshin Concert 2021 ang iba’t-ibang musical performances mula sa soundtrack ng Genshin Impact.

Ipinakilala sa trailer ang conductor na si Dirk Brossé at ang Flanders Symphony Orchestra bilang dalawa sa mga main acts ng concert. Isa sa mga tutugtugin ng classical orchestra ang iconic piece na Mondstadt theme sa concert hall ng Salle Philharmonique de Liège.

Ipalalabas din sa online live concert ang ilang creative interpretations ng mga Genshin track mula sa mga artists ng United States, Korea, at iba pang mga bansa.

Kinumpirma ng miHoYo na tatagal ng 90 minuto ang concert.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang opisyal na web page ng event.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article sa matatagpuan dito.