Ang sikat na open-world role-playing game ng miHoYo na Genshin Impact ay malapit nang magdiwang ng unang anibersaryo.
Magkakaroon ba ng five-star character para sa lahat nang players? Narito ang mga nakalap naming impormasyon tungkol sa Genshin Impact anniversary.
Petsa ng Genshin Impact anniversary 2021

Ang global release ng Genshin Impact ay noong September 8, 2020. Nangangahulugan na maaaring maging parte ng 2.1 update ang mga posibleng in-game anniversary events.
Genshin Impact anniversary 2021 rewards, gifts, libreng five-star

Mamimigay ang miHoYo ng sampung Intertwined Fate bilang anniversary reward sa lahat nang Genshin Impact players. Kailangan ng mga travelers na sumali sa daily login event para makuha ang mga rewards na ito, ayon sa PlayStation blog post ng game.
Dagdag pa dito, ang mga players sa lahat nang servers ay makakakuha ng Double Crystal top-up bonus reset sa kahabaan ng anniversary period.
Wala pang balita kung mamimigay nga ng five-star character ang game bukod kay Aloy ng Horizon Zero Dawn.
Genshin Impact anniversary 2021 banner

Ang banner ni Sangonomiya Kokomi ay magiging available halos kasabay ng unang Genshin Impact anniversary. Si Kokomi ay isang Hydro catalyst user na kilala bilang pinuno ng Sangonomiya resistance.
Hindi pa nag-aanunsyo ng hiwalay na banner para sa anniversary ang mga developers.
Genshin Impact anniversary 2021 events

Upang ipagdiwang ang Genshin Impact anniversary 2021, inihanda ng miHoYo ang Genshin Concert 2021 – Melodies of an Endless Journey. Ang premiere ay mapapanood sa October 3, ito ay libre at available para sa lahat.
Saan mapapanood ang Genshin Impact concert 2021
Maaaring tignan ang official Genshin Impact Twitter at YouTube accounts para sa karagdagang detalye at updates kung saan mapapanood ang concert.
(To be updated. Basahin dito ang orihinal na akda)