Ang pagdating ni Aloy ng Horizon Zero Dawn sa Teyvat ay nangangahulugan ng posibilidad ng iba pang Genshin Impact crossovers.
Sa kasalukuyan, dalawang videogame-related Genshin Impact crossovers pa lamang ang nakikita ng mga players, ang Honkai Impact at Horizon Zero Dawn. Kasama sa mga nakaraang Genshin Impact crossovers at collaboration ay ang fast food restaurant na KFC at ang Japanese café na Sweets Paradise.
Narito ang limang videogame characters na nais naming makita sa mga sususnod na Genshin Impact crossovers.
5. May ng Guilty Gear Strive sa Genshin Impact crossover

Element: Hydro
Weapon: Catalyst
Nation: Inazuma
Ang kakaibang sigla at sigasig ni May ay siguradong magbibigay ng kulay sa Inazuma.
Kasama sa Genshin Impact elemental abilities ni May ay ang pag-summon kay Mr. Dolphin sa laban. Hindi na rin naman bago sa game ang magkaroon ng mga familiars tulad ng Oz ni Fischl, Guoba ni Xiangling, Baron Bunny ni Amber, at Muji-Muji Daruma ni Sayu.
4. Ang paglipat ni Xin Zhao mula Summoner’s Rift papuntang Teyvat

Element: Geo
Weapon: Polearm
Nation: Liyue
Isa pang interesanteng Genshin Impact crossover na maaaring mangyari ay sa pagitan ng open-world role-playing game (RPG) ng miHoYo at multiplayer online battle arena (MOBA) ng Riot Games na League of Legends.
Bagay maging isang Geo polearm user sa Liyue ang tapat na mandirigma ng Demacia na si Xin Zhao.
Maaaring ibase sa kanyang MOBA abilities ang Genshin Impact kit ni Xin Zhao. Halimbawa, ang kayang ultimate ability na Crescent Guard ay epektibong panlaban sa mga Fatui Cicin Mages at kanilang mga summon.
3. Geralt of Rivia? Baka Geralt of Teyvat

Element: Pyro
Weapon: Sword
Nation: Mondstadt
Magiging malaking tulong si Geralt of Rivia ng The Witcher sa Teyvat. Ang kanyang kakaibang lakas at husay sa pakikipaglaban ay magagamit sa paglalakbay sa mga kagubatan ng Genshin Impact.
Si Geralt of Rivia ay pwedeng maging isang special, roaming character na tumutulong sa mga players na lumaban sa mga halimaw kapalit ng Mora.
“Toss a Mora to your Witcher
O’ Valley of Plenty
O’ Valley of Plenty, oh“
2. Cloud Strife ng Final Fantasy VII sa Genshin Impact

Element: Electro
Weapon: Claymore
Nation: Mondstadt
Bilang isang dating SOLDIER, hindi malayong masali si Cloud Strife ng Final Fantasy VII sa Knights of Favonius ng Mondstadt bilang Cavalry Captain.
Pag nangyari ito, hindi malayong makita si Cloud na nakatambay sa Angel’s Share tavern, lumalaban sa mga Abyss Mages gamit ang kanyang Buster Sword, at naglilibot sa Teyvat sakay ng kanyang motorsiklo.
1. Gusto namin ng Breath of the Wild at Genshin Impact crossover kasama si Link

Element: Anemo
Weapon: Bow
Nation: Mondstadt
Totoo na ang Genshin Impact ay hango sa ilang elemento mula sa The Legend of Zelda: Breath of the Wild (BotW) ng Nintendo. Dahil dito, gusto naming makita ang bida ng Breath of the Wild na si Link sa mundo ng Teyvat, kung saan meron syang Anemo vision at nakikipaglaban sa mga halimaw gamit ang kanyang bow.
Sa posibleng Breath of the Wild at Genshin Impact crossover na ito, maaaring mas makita ang pagkakaiba ng dalawang open-world RPGs. Bukod pa dito, maaari itong maging daan para ilabas ng Nintendo ang Genshin Impact sa Switch para na rin i-promote ang crossover event.
Narito ang original article na pinagbasehan ng kathang ito.